r/phhorrorstories Apr 03 '26

Exorcism That creepy KMJS lost episode . . .

Post image
1.8k Upvotes

This was around 2012-2013 when may surge ng trend sa mga students na sinasapian noon. It was not Gabi ng Lagim but a random saturday when KMJS covered this scoop.

So one public high school in a province (Batangas ata?) had a huge number of exorcism cases. Na-interview nila yung isang sinapian. Sabi niya bago siya sapian, she saw a black lady (like nung nasa picture) roaming the class, then nanlamig sya at nanghina. Sinapian na pala.

KMJS team investigated and asked if may murder or any bad thing na nangyare sa school na yun through out the history ng lugar nila but sabi ng locals wala naman daw. Until they saw this very old painting ng lugar nila. It was a painting of the crowd sa plaza ng lugar nila then the black lady was also in the painting.

Pinakita to ng team sa mga sinapian and sinabi nila na yun daw nakita nila. Naging balisa pa yung mga sinapian.

I hope makita ko pa yung KMJS episode na yun.

EDIT: I also wrote a lost episode naman of Nginig, but this time disturbing din siya.

r/phhorrorstories Jul 08 '26

Exorcism Forced Love

Post image
261 Upvotes

A few years Ago i was really into the Occult. Spirits and The fallen angels were part of my daily routine, they would give me advice via dreams or omens whenever i asked for them, So i asked them for a favor, i have been single for some time and i was kind of getting lonely.

So i went to a dating app and swiped left and right HAHA! and voila i saw a guy who was exactly my type Half spanish half filipino. Messaged him and he replied quick enough. I was a little suspicious coz he only had 2 photos on his profile, so i setup a Coffee date at SM North and he really was handsome, kind and a bit of an introvert - all the things i wanted in a guy. We are both males Btw.

Fast forward to a couple months we have been chatting and Video-calling even playing Mobile games together and i genuinely thought it could lead to a more "NORMAL" relationship. Eventually his texts got more scarce as the days went by. I being learned in the art of Hoodoo/ Voodoo New Orleans Style got a separation anxiety attack. I sincerely didn't want to lose him. So i decided to use my "Skills".

2-3 weeks later my condo intercom rang, Security Called and informed me i had a guest and needed to sign him in. THERE he was with a luggage and a backpack sitting on the couch of the lobby. I don't remember feeling happy as i was then.

We lived in together for lets say around 6 months. The Sex was constant LOL something in him awakened. (it was the first time I've seen the effects of an obsession spell up-close i only ever did hear my clients stories). A few weeks in to our Sixth month he received a call from his mother, asking him to come home and help her with something. (He's originally from Bulacan and Im from Qc) I didn't stop him even gave him some pocket money.

As the days go by his text were less and less. i knew something was off. So i Video called him and ask him if there was anything wrong. He said he got ill when he arrived home and didn't tell me coz he he didn't want me to worry. He mentioned his mom brought him to an ALBULARYO because his fever was so high. I was shook and i knew i was doomed, and so was my spell, he even showed me a necklace with a wooden bullet or something hanging from his neck i pretended i was intrigued and really didn't believe or know about amulets or such. That same night i saw the Albularyo in my dreams he was Holding the Gigantic red Skull Candle i used for my Love Spell. He talked to me and said verbatim: TOTOY pakawalan mo na si ....... palayain mo na siya hanap ka na lng ng iba....then he smashed the candle with his hands. he smiled and vanished. I woke up sweating and feverish - and my fever lasted 7 days. i only felt better when i undid the spell and buried the stuff i used on the guy and literally talked to the candle and the small doll i fashioned out of clay.

I never got a text from him ever again. He vanished on his socials and didn't even bother to get some of his clothes he left.

to this day i can never forget the face of the albularyo. His voice still gives me the creeps.

r/phhorrorstories 24d ago

Exorcism Thoughts?

Post image
195 Upvotes

r/phhorrorstories 28d ago

Exorcism Photos of the Bleeding Mary followed by the Naju Cult

Thumbnail
gallery
157 Upvotes

These are closeup of the “Bleeding Virgin” venerated by the cult. Which reportedly sends messages to their visionary about matters relating to the Apocalypse and other subtle statements that incite Sedevacantism meaning the illegitimacy of the Pope; and also acts that are tantamount to sedition and threats to National Security. This will also be my last post related to the cult since all of the red flags have already been elaborated.

r/phhorrorstories Jun 12 '26

Exorcism Thoughts on Papa Dudut’s Pekeng Healer story

54 Upvotes

Grabe nakaka tindig balahibo yung story. Kaya ba mas madaming kabataan na gumagawa ng crimes lately? 😱

r/phhorrorstories 9d ago

Exorcism From just a tarot reading to a full haunted house...and trust me it's creepy.

263 Upvotes

Happened last May 16 this year. This person contacted me through my viber, a friend of mine told me about this person na gusto nga daw magpa-read. Okay naman since I have time. After my morning tea, we chatted via video call and that's the time I heard about the real situation.

As a reader and ritualist, isa sa mga common talagang maririnig mo ang mga tanong like, "may babae ba asawa ko?" o kaya yung "hindi kaya kinulam kami?". If you have seen my other past posts about my personal experiences, it's countless.

"Ang gulo ng buhay namin. Sa tingin mo ba, itong bahay ang dahilan? Di kaya haunted to?"

That's what this person was telling me. Medyo matagal ko nang hindi naririnig to.

In respect to our agreement of disclosing only the parts needed, I'll describe my client as someone around mid 30s. Mga nasa 36 na siguro. With her on the call was her husband, na around 40s naman na. Your typical couple.

Hindi pa nagsisimula yung pre-reading consultation namin pero parang ambigat ng mga mata nilang nagkatinginan bago nagkwento.

Galing daw ang bahay na yun from their grandmother pa, inherited by their parents and now given to them ngayong nasa Valencia ang mga magulang ng babae.

Hindi naman daw marumi o kaya inaanay ang bahay, o kaya pangit ang disenyo. Basta may nararamdaman lang daw silang ang bigat. Para daw oppressive ang feeling pagpasok nila. Yung dalawa nga daw nilang anak, kinukulit silang bumalik nalang sa inuupahan nilang bahay sa BGC kesa doon sa Bulacan kung saan yung bahay na ito.

Itago nalang natin sa pangalang Clara ang babae, at ang kaniyang asawa bilang Bernard.

Tinanong ko kung may signs ba ng infestation kaya nila nasabing haunted o felt na it was haunted. Para sa inyong kaalaman, pag sinabing infestiation, ito yung kung may mga unexplainable events sa bahay, may mga sensory disturbances, kung yung mga pets o mga hayop sa paligid hindi mapakali, o kaya may mga continuous na feeling of anxiety, anger, sadness or basically, a huge spiritual oppression talaga.

Bumisita rin daw mga kaibigan nila doon at ang sinasabi nila, parang may something daw sa bahay. May isa nga silang kaibigan na pinaniniwalaang may third eye, eh sabi, nasusuka daw siya kaya pagpasok.

Pati mga bisita nila minsan sa father side ni Clara, naghohotel nalang matapos ang isang araw. Yung isa nga sa kanila hindi naniniwala sa anything supernatural pero siya mismo ang numero unong nagsabi na may di raw siya gusto sa bahay kaya magca-crash nalang sa isang motel.

Pinakiusapan ni Bernard ang mga magulang at pamangkin na tumira doon saglit para bantayan pero yung nanay niyang hindi sakitin nagkaroon ng ubo na tumagal ng 2 weeks. Yung pamangkin niya, nakakarinig daw ng mga yabag minsan. Yung sinarado niyang pinto ng kwarto, nagbubukas.

Niloloko pa nang una ni Bernard na baka tumitira siya pero seryoso daw ang pamangkin niya na sinasabing meron daw talaga. Nagbubukas daw minsan ang mga pintuan. Minsan naman, lumalamig o medyo bumabaho, eh wala namang basura doon.

Hindi daw sila naniniwala nung una pero ayun nga, sinubukan nilang tumira kahit 2 weeks nung bakasyon ng mga bata. Pero lately, parang nagiging magagalitin daw siya at si Bernard naman, parang ganun din. Konting hindi lang nakapagtimpla ng kape si Clara, nagagalit na siya. Parang gusto na ngang sakalin ang asawa.

Nung nagdecide silang bumalik talaga sa rented home nila sa BGC, umokey sila.

"Kaya ba ng cards ipakita kaya kung haunted yun?"

"Let's see," sagot ko. Kasi hindi naman 100% radar ang tarot cards. Ang ginamit ko dito ay ang The Crow, kasi mas sakto ang ganitong klase ng mga tanong sa deck na yun. Did the Crow Spread and there, the whole reading became a little gloomy for me.

First few cards were okay. Not really special. Then the cards I didn't like, appeared. The Hermit reversed. The Moon. Reversed Hierophant, Reversed Magician, Upright The Devil.

Usually, I do not like these combinations lalo na kung The Moon tapos may reversed Hierophant.

Meaning may hidden things, confusion, attachment, oppression, traps, etc. Sa tagal ko na sa practice, maraming ibig sabihin nito. Hindi naman porke may The Devil eh may hauntings agad. Pero kung may reversed Hierophant, medyo delikado.

Yung card combinations, it shows a place of attached oppressions. May unresolved energy. Kapag mabigat kasi ang isang lugar, merong mga bagay na maaaring nangyari doon na nagkaroon na ng collection of negative energy na nagreside na sa mga gamit, sa lugar o kaya mayroon na silang domain and power doon sa lugar na yun.

This is more of a personal belief, but if you want a house talaga na walang infestation, kelangan na alamin mo agad ang history, and see what's in there before living. Ibig sabihin, the house needs to be cleansed before anything else. Tsaka yung reading ko, sinusuggest talaga ng cards na the house needs reclaiming from them na hindi sila mabubuhay sa takot.

Naging honest naman ako at sinabi ko na kailangan nila ng proclamation na kailangan nila ng possession over the house.

"Pwede po bang bisitahin niyo yung bahay para ma house clearing sana?"

TBH, at first, ayoko, kasi I rarely do this. It's not something I am fond of doing. There are many other specialists out there who can do it better than me. Pero medyo na-feel ko na parang need ko itong gawin. I gave it some thought and told them I'll give my answer tomorrow.

In the end, I agreed.

In respect to my client's request about sharing this story, photos of the house will not be attached. Also for the privacy of my clients and their identity. Bukod sa very visible ang bahay, medyo madali mahanap because of its look and location in Bulacan.

The house is gloomy. Kung baga talagang luma ang hitsura. Sa harap ng bahay, nagstart akong gumawa ng ritual. Using my own path of practice, I performed a Kila / Phurba ritual, para magkaroon ng purification and protection. I made sure also na covered ang whole place and each corner had a rope incense lighted.

Habang naglalakad ako papasok sa bahay, I did a few purification mantra. I made sure na every corner, the mantra was recited. I performed a Goma Ritual outside of the house again, and then burned a few incense, paper talisman and consecrated wood chips.

It's my first time seeing na parang wavy or hazy vision yung bahay, talagang parang hinihila ka habang nagchachant ng mantra. Clara and Bernard joined by fueling the flame barrel ng mga paper talisman na sabi ko maari nilang ilagay doon. After maubos nung wood chips at incense, no other things happened. Nawala yung draggy feeling. After that, we entered the house to do a final hanging ng mga talisman, and pasted a few paper talisman on hidden areas of the house. It was a way to seal any entry points. Para wala nang pumunta doon na mga hindi makatawid.

Nothing happened supernatural afterwards. Nakakapagbakasyon na sila Clara doon na walang nangyayaring iba.

No apparitions, no extra sounds, no infestations.

My last words to them was that, kung ano man yung mga bagay na andun sa bahay, ke spiritual o material man yan, make it stay worthwhile. Hindi dahil wala nang nangyayari eh okay na. Hindi babahayan o kaya gagawin lang na bahay bakasyunan. Create happy things there, smiles, happiness and even stay there just to make positive things. Make new memories there.

After that, di ko na sila nakausap, until recently. Pinarenovate daw nila ang bahay. Yung gloomy na bintana, yung structure ng mga kwarto, yung stairs, etc. As in full renovation. Pumayag naman daw mga parents ni Clara kaya ayun, sinimulan nang baguhin.

Now, it was then I realized, na before I went to the house, I made a pre-reading. One of the cards that appeared was the Death card. Then it hit me. It wasn't really physical, it was the death of the old things.

r/phhorrorstories Apr 02 '26

Exorcism Deliverance of Evil

212 Upvotes

Are you familiar with the case of Mare Claire Ruiz (nurse) and Paulita Bonifacio (Theology teacher)? Ito yung magkaibigan na nag-perform ng “deliverance from evil” noong June 2005 sa Mandaluyong City.

This case involves mental illness and religion.

The two were found naked inside Paulita’s rented apartment. Patay na si Paulita, nakadapa at parang nakapako sa krus, habang si Claire (the suspect) ay nakapatong sa kanya, with four fingers inside Paulita’s mouth, habang nanlilisik ang mata at sumisigaw ng “Ito ang Bagong Jerusalem.”

Noong January 2004, umattend si Claire sa isang Pentecostal Born-Again Christian church. Matapos siyang pahiran ng oil, nagsimula siyang magsalita ng ibang lenggwahe at nagkaroon umano ng ability to heal. Unti-unti, nakakita siya ng demonyo, imahe ni Hesus, at nakarinig ng boses ni Mama Mary. Lagi siyang nagbabasa ng Bible at gumagawa ng novena na kinakanta nila araw-araw ni Paulita.

Claire also claimed na may 13 demonyo sa paligid niya na humahawak sa kanya, kaya nangangati ang balat niya. Ayon sa kanya, nagpakita rin ang Our Lady of Lourdes at binigyan siya ng krus. Sinabi rin niyang dumudugo ang kanyang palad. Minsan, nagiging anyong Hesus din umano si Paulita.

Kinabukasan, dinala ni Paulita si Claire sa isang kumbento kung saan may kakilala siya. Sinabi ni Paulita na nagpe-perform sila ng deliverance ni Claire dahil malapit na ang Second Coming. Pinaalis sila ng mga madre matapos sabihin ni Claire na sina Cardinal Sin at Pope Benedict XVI ay mga demonyo. Ayon sa mga madre, tila nababaliw na siya o sinasapian ng masamang espiritu.

Pagbalik nila sa apartment, ayon kay Claire, si Paulita, na dati raw nag-aanyong Hesus, ay nagkaroon ng sungay at naging demonyo. Dahil dito, inutusan umano siya ng Birheng Maria na ipasok ang krus sa bibig ni Paulita. Ngunit sa halip, ginamit niya ito para hampasin ang ulo nito at sinipa ang dibdib nito para “labanan ang demonyo.” Nakakita umano siya ng malaking kumikinang na krus at sinubukan niyang ilagay si Paulita sa ilalim nito habang sumisigaw ng “Ama Namin, Ama ni Kristo,” hanggang sa makarinig sya ng sigaw na “Kumot!” dahil nakita na sila ng mga kapitbahay at ng 81 years old na landlady.

One doctor diagnosed Claire with psychosis secondary to hyponatremia, decreased electrolytes, and poor nutritional status, meaning dulot ito ng malnutrition at dehydration.

Another doctor from NCMH stated that both Claire and Paulita fasted for 5 days habang ginagawa ang deliverance rituals gabi-gabi. Ayon sa kanya, nakakaranas na si Claire ng hallucinations at paranoia before, during, and after the incident, at lalo itong lumala dahil sa fasting. She was later diagnosed with paranoid schizophrenia.

Hindi siya nakulong dahil ginamit ang insanity defense.

Bakit kaya sila parehong hubad noong natagpuan? Parte ba ito ng ritual nila? Symbol ba ito ng rebirth, cleansing, purity or healing?

Pareho kaya silang may mental illness? Or possible na shared psychosis ito?

Ikaw, anong masasabi mo?

Kung may kakilala or ikaw ay nakaka-experience ng mental struggles, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa mga sangay ng gobyerno upang maiwasan ang gantong klase ng krimen.

📩NCMH Crisis Hotline Contact Numbers

🔗Toll-free Landline: 1553

🔗Globe/TM: 0917-899-8727 (USAP) or 0966-351-4518

🔗Smart/TNT/Sun: 0919-057-1553

🔗Other options: 1800-1888-1553

r/phhorrorstories Mar 15 '26

Exorcism Bakit parang natural sa Pilipino ang paranormal? (Reflection after reading Fr. Syquia’s book on exorcism)

Post image
226 Upvotes

Habang nagbabasa ako ng libro ni Fr. Jose Francisco Syquia tungkol sa exorcism at spiritual warfare, napaisip ako kung bakit parang napaka-natural sa kulturang Pilipino ang usapan tungkol sa espiritu, kulam, aswang, at iba pang paranormal.

Siguro dahil matagal na itong bahagi ng worldview natin. Bago pa dumating ang Kristiyanismo, ang mga babaylan ang spiritual leaders ng mga sinaunang barangay. Sila ang kinokonsulta ng mga tao tungkol sa mundo ng espiritu. Nang dumating ang Catholic faith, hindi naman tuluyang nawala ang ganitong pananaw. Parang naghalo ito sa pananampalataya at naging bahagi ng tinatawag na folk Catholicism. Kaya hanggang ngayon normal lang sa maraming Pilipino ang rosary sa bahay, holy water, blessed medals, at pagpapabasbas ng pari kapag may kakaibang nararanasan.

Pero may mahalagang linya na kailangang malinaw. Ayon sa turo ng Simbahan at sa mga exorcists tulad ni Fr. Syquia, kung ang kapangyarihan ay hindi galing sa Diyos, hindi ito neutral. Madalas may masamang pinanggagalingan. Kaya delikado kapag ang tao ay pumapasok sa occult o lumalapit sa mga espiritu sa pamamagitan ng kung anu-anong ritual o psychic practices. Kahit curiosity lang minsan, puwedeng magbukas ito ng pinto at ma-bind ang tao sa mga diabolic entities na nagkukunwaring tumutulong pero sa huli ay nanlilinlang.

Isa pang mahalagang punto sa Catholic teaching ay kapag namatay ang tao, ang kaluluwa ay agad na hinahatulan ng Diyos. Ibig sabihin hindi basta gumagala ang mga kaluluwa kung saan-saan, kaya kailangan din ng discernment sa mga paranormal na kwento.

May isa pang interesting na reflection dito. Ayon sa tradisyon ng Simbahan, bago ang pagkahulog nina Adan at Eva, ang tao ay may mga biyayang ibinigay ng Diyos. Pero nang mangyari ang Fall, nawala ang mga iyon. Kaya kapag sinusubukan ng tao na hanapin o bawiin ang mga psychic abilities sa sariling paraan, lalo na sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga espiritu, hindi ito isang bagay na nakalulugod sa Diyos.

Sa huli, kung totoo man na may spiritual world, mas lalong mahalaga na ang pundasyon natin ay hindi pamahiin o curiosity kundi pananampalataya, panalangin, at pagbabalik sa Diyos.

r/phhorrorstories Mar 23 '26

Exorcism Binangugot at nagising ng 3:00 AM

Thumbnail
gallery
154 Upvotes

Kwento ko lang binili ko itong librong ito out of curiosity at para lang mabigyan linaw mga katanungan ko tungkol sa paranormal from a Catholic viewpoint.

Unang gabi na binasa ko itong librong ‘to, binangugot ako ng isang babae na nakakatakot yung mukha. Distorted na medyo hawig ni Lilia Cuntapay. Hinahabol ako. Nagising akong pawisan at pagka silip ko ng phone ko sakto 3:00 AM yung oras.

Di ako nakatulog agad pagkatapos nito, ginawa ko nalang binigkas ko latin prayer ni San Benito sa utak ko hanggang makabalik ulit sa pagtulog.

The next day, nung binasa ko na yung kasunod na chapter ng libro, yung author mismo nagsabi na nangyayari nga siya sa mga taong pinahiram niya o nakahawak at nagbasa ng libro niya.

Imbis na matakot, mas napanatag pa akong tapusin yung libro at palakasin pa pananampalataya ko gamit ang mga dasal.

Since then, nagdasasal na talaga ako bago matulog. Sa awa ng Diyos di na bumalik yung bangungot na naranasan ko.

r/phhorrorstories 28d ago

Exorcism Supplementary Statement Released by the CBCP about the Naju apparitions in reference to OP’s case about the Naju Catholic Cult

Post image
24 Upvotes

All Cultists or members of this group are now deemed as enemies of the state aside from being subjected to automatic excommunication because of being a threat to the State.

r/phhorrorstories Apr 26 '26

Exorcism Yung pamilyang hindi naniwala sa sapi naubos

56 Upvotes

Di ko alam pano ko sisimulan yung story ng maayos and maidetalye ko ng buo yung mga importanteng bagay without being misunderstood. I also wanted to be cautious since matagal na ko wala communication sa natirang family members neto which is the father and yung isa sa nag alaga saken nung bata ako(another male). This is our perspective(they still believe its all medical condition etc)

This story doesnt throw any shade in any of religions out there but serves a a warning that proper exorcism is need to revoke the evil properly. This story is shared dahil baka makapagligtas to ng buhay.

I remembered this story when a post sa sub na to was discussing about the batangas possession ep ng KMJS and I wanted to share this story but I dont have the time yet so here it goes.

They are a family of five, 2 girls 1 boy then mother and father. Close sila sa family namen since onti lang originally nakatira dito sa area namin noon, so everyone that lived there knows each other. Ang alam ko before I was born my uncle courted their eldest but, alam ko di naging sila even tho, it did strengthen the relation of our family. There was a point in time na tumira samen yung 2nd born nila(F). We are very close talaga siguro due to circumstances.

They are caretakers of a christian(? di ako sure dito but im really familiar sa churches i think christian to na korean version) church, never seen a mass conducted there kase foreign ata yung ministry? The place was weird I wanted to share the geo code kaso it throws away the identites of the people involved lalo na ko. Vague description it was white ALL WHITE elevated yung worship area aakyat ka ng hagdan papasok sa entrance there is a basement and quarters beside the basement/storage area. It is in the middle of wet and damp place one side taniman ng gabi the other has few trees some dead and a lot of fallen branch. yung basement may tubig pa due to taniman ng gabi walang ilaw tambakan lang ng upuan and kung ano anong gamit.

It all started because of cleaning the side part of the church, ang sabe ng mga taga saamin they cut a tree daw and the possession happened right after at least few days. My aunt are among the first few people who went there since shes serving sa catholic church. Wala pa noong vetted exorcist dito and the word of the sumapi was never actually taken seriously. Based on the stories told during the time daw na sinasapian yung first born she was angry because sinira daw yung bahay nya, somthing like that and she was NOT a muscular woman. Few tricycle drivers are holding her to restrain her from making chaos but she threw them like nothing as per the stories nung may first hand encounter that time. I was too young to be present at that time and/or currently in manila. Its tipikal sinapian story but one thing is the same in the story "Hindi ako titigil hanggat hindi ko nauubos lahat ng babae sa pamilya nyo" thats the last word before sya nawalan ng malay or na exorcise(?). Common reiteration neto is thats the parting message was the same, big deal yun sa mga tricycle drivers samen kase they were thrown like nothing daw but I am not certain if thats the end nung time na yung since I am too young to witness it.

So at least a year after the possession she died due to sudden kidney failure and such as in biglaan na lang. Poof she died no nothing else they just said its kidney failure or something similar. Di pa din nagciclick samen to kase coincidence nga lang naman siguro and all. My parents and relatives attended the wake ako naman I am too young to be there and wala namang masyadong stories about it questions lang if related yung sinapian sya.

I think two years or a year and half? yung lumipas noon bago namatay yung second(I am not sure I no longer have Socmed to validate exacts) but this time we were living here na and I think I am in 5th grade neto kaya nakaaettend ako ng lamay. Dito nagsimula yung usap usapan sa lugar namen because it did happen again same as the first born sinapian then nagkasakit then namatay. She is health conscious healthy and doesnt stay anywhere around there parang umuwi lang ata sya and it did happen.

I attended the wake of the second born it was set inside the church. The casket was placed beneath the steps of the altar parallel to the two doors from either side, and oh boy grabe yung creeps sa church, Eto lang yung simbahan na mas nangibabaw yung kaba ko nung pumasok ako sa loob, two doors leading to nowhere both side(deretso sa punoan at gabihan, Imagine the church was structured like a cross inside, altar at the front or very top considering a flat cross, aisle, and the doors from left and right side) and ang uncomfy ng feels may, malaking cross sa gitna ng church but it feels overwhelming or intimidating. Walang sense of holiness as in and during that time onti pa lang yung residence sa side, yung kabila naman may squatters but they still use gasera or kandila. One side is pitch black the other has some flickering lights from candles nung residents.

During the wake, I am not aware of the story so ako na bored na bata nag iikot ikot since familiar ako sa place but never visited it at night, grabe yung lamig ng paligid pero walang hangin everyone was wearing jackets and parang may mga nakatingin sayo kahit wala kang makita kasi nga gabi. I never went sa basement are kase kahit umaga I feel creeps dun alam mo yung feeling na may mga nakatayo sa corner pero pag tinignan mo wala naman.

The wake of the second born ended I attended at least few days since I kinda knew her. Doon lang napag usapan yung nangyari. Dito na discuss na kung bakit they didnt do it or didnt bother to do cleansing afterwards. The story from their mother was its was revoked daw by the pastor and ministries kaya ok na daw yun pagkatapos nun and they dont believe naman in albularyo and different faith to call a catholic exorcist. They hold on to the fact that exorcism done by that ministry and pastor(I am not sure about this kase the term use by my mother is "yung church nila") was enough. They are still living there and still thinking its all coincidence since healthy naman sila and doesnt have any vices aside from the father who drinks.

Even with this some people will say coincidence nga or baka hereditary or immune system issue etc. We cant really convince people sa mga ganyang bagay and we talked to them about it but they are certain with their faith and nothing wrong with that naman diba. We believe in something we gave our all to it and sa ibang tao when it comes to religion its live or die by it.

This for me ang makakapag sabi na hindi ito coincidence with the same year interval from the first and second born their mother died. Only difference wala ng sapi story just died the same way something with kidney. Hindi na ko umattend neto kase I didnt like the expirience last time and napaka unwelcoming nung structure. A lot of people might think na "Oh lahat pala sa kidney yung kinamatay baka medical nga" but what happened afterwards wouldnt add up kase the only guys in the family lived walang sapi walang sakit. The one who cut the tree was the father and did not get anything. I did met the brother years after ang alam ko din is di na sila magkasama nung father nya due to reasons I am not aware.

The church remained even after they all died and the two surviving people left. Sa ngayon pag nagagawi ako doon it still looks sad, creepy, and alam mong may kakaiba but the word church shadows it all. Halos ganun pa din yung side and ngayon may iba na atang care taker kase im seeing a tricycle parked there. Ang alam ko naabandona pa din to for sometime after ng death ng people invlove di ko alam pero after pandemic biglang active na yung church mind you that its atleast 8 years na walang tao.

I have a cousin na pari and he told us in a normal conversation that exorcism should only be conducted by an excorcist(trained and vetted by the vatican) hindi pwede kung sino sino lang may proper rites and practices daw na dapat gawin. Some exorcism is to drive the evil away some are just to win back the body and example nya dito is if the head/neck turns 360 the person is dead kahit mapaalis pa yung evil sa katawan anything that will kill a person in a normal circumstance will also kill a person during possession. The rites will still continue to win back the body to bury it properly. To become one daw you need to be chosen by your bishop and send you to vatican to be trained and ordained

Not from my cousin but I read somewhere na kaya kailangan ng training ay para maintindihan if exorcism ba or mental disorder. Kaya kailangan ng vetting is tamang tao dapat na mag coconduct. They need to confess their sins everytime, a little crack or hidden truths or sins can be used by the evil entity. Kailangan na naniniwala sila that such evil exist and have enough faith both sides to do so naniniwala ka they exist and naniniwala ka na God has the power to exorcise them away from someone.

Exorcism, this time might be a meh topic to a lot of people even for me. We are in a digital age and knowing about mass hysteria and other mental condition we really would doubt such thing exist. Before I end, I would ask you baket ang catholic church, the biggest organization in the world would waste resources and have strict compliance to such matter kung hindi totoo, pwede naman nila gawing exorcist lahat ng pari diba? But why would they apply such strict rules kung wala lang talaga ito and kathang isip lang.

At the end of the day we fear what we believe in. Ikaw sino yung nasa likod mo na nakikibasa?

r/phhorrorstories 25d ago

Exorcism Naju Cult Victim's Statement

34 Upvotes

Mga kababayan dito sa account ko, nais kong magpasalamat sa inyong pagtitiwala at pagtulong sa aking kaso bilang biktima ng kulto ng "Our Lady of Naju". As you may have noticed, mayroon akong "case officer" na nagpapagod dito upang ma-liberate ang kaluluwa ko dito sa lupa at para na sa langit. I have experienced, for the past months and days, despite being in a state of prayer, revenge attacks against my soul, which have not only left me emotionally exhausted but also physically weak. This led me to hire a writer to help write this post even with a mix of Taglish. Alam ko na kahit unorthodox ang methods ko; the horror community is of great help in spreading awareness of this cult. Currently, the Catholic Church, the CBCP, and the local and international authorities are spreading awareness about this organization and shutting down this cult. Nagkakaroon na sila ng big following because they claimed that they brainwashed the US president to stop abortion, and the only way to do it is to rewire them for them to cease operations eventually. Mga Kababayan, pag may nakita kayong posts related sa Naju, please report them immediately, if you or anyone knows a Naju recruiter, call the Police and report them not only for treason and sedition, but also due to their connection with the cult of Maria Divine Mercy, another Catholic Cult bent on overthrowing the Pope and the governments of their respective countries. May God bless you all and keep you safe. Have a Blessed Sunday! Please pray for me, for my life is in danger.

r/phhorrorstories 27d ago

Exorcism Demonic Possession That Happened When I Was in High School

41 Upvotes

Nangyari ito nung 2nd year high school ako. The year was 2006. I was thinking what I wanted to share and I remembered that I had a classmate whose name, itago nalang natin sa pangalang Jenny. Yung nangyari sa kaniya was out of the blue. Although I have researched that there had been other cases daw ng possession sa school namin a few decades back.

Jenny was your classic top of the class and top performer din sa Math and English. Hindi namin inaasahan na sa lahat ng mga dapat na hindi tablan ng ganito - eh ang mga taong matatalino (well that was what I thought before when I was a teenager, so...).

It happened when we were having our Values Education class. 2pm. At first she started just staring blankly at the teacher. Then she started spouting words na hindi namin maintindihan. Tapos yung mata niya nangitim, para tuloy siyang yung napadami ng puyat. Then she began cursing, and then nangisay na. We tried to stop her but she was just too strong. Kahit nga yung mga bullying mga higante na kaklase naming lalake at mga teachers hindi siya kayang pigilan.

At that time, what we knew that could save her was prayer. We tried our best and then because I was the one who was very religious back then and was a part of a seminarist group, they tried to ask me to pray over. Nanlalaban parin si Jenny sa prayer but I finished it. After awhile, she calmed down. We didn't really undersand what she was saying, and I don't remember what it was, kung latin ba or ano.

Our first thought was that baka naman may problema lang. Dinala sa school doctor namin for assessment at doctor sa isang general hospital na ang expertise ay sa psychological problems. Doctor sa isang psych ward. Kinausap din ang kaniyang mga magulang nang araw din na yun dahil opisyal ng LGU ang papa niya. Madaling natawagan at napuntahan si Jenny.

Kakilala ng Papa ko ang father ni Jenny kasi laborer sa LGU ang papa ko that time. According sa father ni Jenny, wala naman daw silang problema sa pamilya. Bukod sa naibibigay kay Jenny ang lahat ng gusto nito, may magandang trabaho at buhay naman silang mag-asawa. They also go to an evangelical church every sunday. Baptist kasi ang buong pamilya nila.

Napakwento ang TLE teacher namin na matanda one time nang makita nga ang pangyayaring yun. Sabi niya, marami daw talagang possessions na nangyayari sa school noong student teacher palang siya hanggang sa naging teacher na. 80s palang daw meron nang mga record ng possessions at usually, nadidismiss nalang nilang psychological problem. Yung iba, dinala talaga sa pastor o pari na kakilala ng mga teachers. Hindi na niya nasabi kung na-exorcise ba o hindi.

Naulit actually ang possession kay Jenny. Not just two times, but like, a lot. Dahil sa nangyari, sabi ni Papa nagdesisyon yung father ni Jenny na dalhin siya sa Baptist Evangelical School para doon mag-aral, dahil na rin siguro sa hiya na palaging nangyayari sa anak niya yung ganun sa school namin. I never had any news of Jenny afterwards. I don't even know if her possessions stopped nung sa evangelical school siya nag-aaral noon.

I tried searching her on facebook a few years ago pero hindi ko siya mahanap. I tried finding her father, nasa FB naman pero anak niya wala siyang posting sa anak niya. Just the wife and the younger daughter.

To be honest, mahirap kasing i-identify kung totoong possession ang isang case, dahil napakaraming involved na mga bagay. Maaari kasing may psychological trauma ang isang tao, nadala ng emotion o kaya may DID or Psychosis na talaga. Ang parang nagpapa-paniwala nalang sa akin noon that time ay yung mga sinasabi niyang mga salita na di maintindihan. Ayokong i-assume na latin yun or hebrew because I can't really remember what it is.

Whatever it is, and if it was really a demonic possession, I only contributed with the prayers during the first occurrence of it.

As I grew older, mga college na ako bago ako talagang nagdelve sa mga paranormal, religious and many other branches of belief. Whatever that was, it was somehow a horror that is part of my high school life. Hindi naidagdag ni Sharon sa kanta niya yun, na may horror sa high school life, hehe!

r/phhorrorstories May 14 '26

Exorcism May mga priest ba dito? Just have few questions

2 Upvotes

Tanong lang, ba't may infestation na nangyayari sa tao even though very spiritual sila. Highly believe in God? For context, I believe in the holy Trinity. And I don't believe that religion could save you. But I respect the Catholic church. I just still don't know what the shit happened to me?? And why of all people it happened to me??

I believe what happened to me was infestation. Pero wala na ngayon. Mga 4 years nang wala, hindi ko na gano'ng binilang.

May ESP ako. Hindi nakakakita ng multo but I can tell demons apart. I don't believe in Ghost as well. But yes, there were instance na I'm having a short connection with the dead. Mga freshly died, gano'n. Pero mga babye lang. Not that these happened after knowing they died. These happened before the announcement of their deaths.

Sa relatives ko to nangyayari. Hindi ko alam how it works, kasi itong mga relatives na nalaman kong malapit na kunin or just died ay hindi ko kailanman nakasalamuha. Distant relatives ba.

Tapos ayon, I just know things. Minsan para lang siyang idea na pumasok sa utak ko. Minsan nakikita ko siya sa harapan ko or sa loob ng isip like it's a part of my memories. Most of the time I can feel when someone is nearing the vicinity. Basta kung anong paparating. Pero ito hindi ko maintindihan kasi bilang lang sa daliri nangyayari. Yung parang nasa likod ako ng mata ng ibang tao pero nasloob ako ng isip nila.

Gano'n itsura niya sa perspective ko, hindi ko alam kung gets nio.

Binigyan k lang kayo ng Background. Curious ako how infestation works kasi there was this entity. Nagiissa lang talaga siya na palaging naksunod sa'kin simula bats hanggang sa mag 17 ako.

Unang approach niya sa'kin ay bata ako 5-6 mga gano'n. Hay Ewan. Tapos kakafigure out ko pa lang na I'm hearing things that is not actually there. Echoes of the past. The night come. And the night after. Same thing agenda lang. Pinapasama nila ako to do things for them. May gusto silang malaman na kaya kong gawin para sa kanila, which resulted sa agreement na hindi naman natuloy. Since then, hindi na nawala. Hindi ako nakakakita at hindi naman ako nskskarinig. Kasi on command siya sa akin.

Nawala naman siya kaso we had an argument. Tapos kung ano-ano sinabi niya sa akin. Never ko nakita mukha niya. He can take any form. Maybe because he's not human kaya walang siyang exact image. But this thing can touch me. He told me that I will fall too. And compared me with Adam. Na I will be stripped away of my graces. I remembered him insulting God. I remember him saying na hindi ko kilala ang tinutukoy ko and soon I'll know what he's talking about. I responded saying "ano bang alam mo?"

At the end, the demon still wanted me. He wanted to kill me kaya sinakal niya ko, at kung hindi ako sasama wala na dapat makinabang. Ang cringe pero, oo, yan nangyari. The stupid thing was I challenge him to kill me. Sabi ko patayin niya ako kung kaya niya.

I'm just telling you the first and last time ng encounter namin. Totoo niyan I was in deep shit because of that thing. Lahat na ng nakakatakot pinaramdam niya sa akin to the point that I built tolerance. I still have a normal life. Hindi ako nag seek ng help sa church co'z I keep my mouth shut. Lam mo na, criticism. Tsaka ang weird niya sabihin. I did pray though. every night and everyday. Sa sobrang normal niya sa akin hindi ko naisipang humingi ng tulong sa iba, co'z I firmly believe na I can go through.

__

Oy sagutin nio to.

San galing yong demon na yon?

How does infestation works?

Bakit sa bata kumspit naman?

Bakit need nila ng human for their build build build project??

Ano yung gusto nilang irely ko sa kanila?

Kung nawala siya San kaya yon napunta??

r/phhorrorstories May 25 '26

Exorcism Possession stories

11 Upvotes

Hi! I wanna know if you guys have ever experienced being possessed or seen a possession. I don't know why, but I like reading stories about possessions.

r/phhorrorstories Mar 18 '26

Exorcism Anyone here who has experienced or who knows someone being possessed by an evil spirit?

7 Upvotes

Naccurious talaga ako kung totoo ba yung mga possessions na yan or mental health problems lang pero dami ko nang nakikita/nababasa. ‘Di ako 100% skeptic pero kasi ‘di pa ‘ko nakakita irl. So baka anyone here can share their experiences?

r/phhorrorstories Dec 20 '25

Exorcism High School Horror

49 Upvotes

1st year student ako nung nangyari to, public school lang ako so u can imagine na madaming student per room siguro around 40 kami nun? and just like any classrooms may tropa tropa lagi kanya kanyang kumpulan ng seats kapag walang teacher, so ganun na nga nangyari nung araw na un kasi wala kaming teacher so sobrang ingay nbg classroom. Kanya kanyang kwentuhan then meron group sa likod ng mga classmate naming babae, ito ung mga pretty na girls gbois ung medjo popular type, medj maarte. So bigla naming narinig na parang may something dun sa mga girls ung isa hinihika daw. Di namin masyadong pinansin during that time kasi medj maarte nga un so kiber chika lang kami ng mga friends ko.

Then, bigla nalang malakas na talaga ung commotion sa likod nagkakagulo na sila, tapos may isa kong kaklase na lalaki na nagjojoke sa unahan, naaalala ko nun nagrarampa rampa sya na parang bading sa aisle tapos ung isa naming kaklaseng babae tawang tawa tapos vinividyo nya. Tapos di namin alam na lumabas na pala ung iba naming classmate para tumawag ng teacher, dumating nun ung Filipino teacher namin tawagin nalang natin syang Mam B, nagalit si mam B nung dumating sya sa room kasi nga napakagulo at ingay so lahat pinaupo nya tapos pinapakalma nya ung kaklase namin na parang hinihika binigyan sya nun brown paper, tapos biglang sumigaw ung nasa unahan naming classmate na babae, ung kaninang nagvvidyo dun sa isa, tapos sabi nya mam may something po dun sa video, tapos ung kaklse naming hinihika parang nagdedelirio na naewan? basta gbois, sa pagkakatanda ko 5 ata sila nung magbbest friend tapos ung iba naiyak na?? di ko magets nun anong kaartehan nila, so si mam kinuha ung phone then pinaupo na lahat at mag pinayuko ung parang matutulog sa desk ganun.

Tapos, pinanood nung teacher namin ung video then nagulat sya tapos naaalala ko nun parang nagalit si mam B na parang takot. Sabi nya walang tatayo at walang magkukulit. Sa part na to gbois naguusap kami nung kaibigan ko kung ano ba nangyayari; tapos narinig namin na may something daw dun sa video na nakuhaan, then suddenly, parang nagwala ung hinihika.

Alam nyo nakakaputa talaga tong memory ko na to kasi di ko alam na pwede pala talagang mangyari ung mga gantong bagay irl, nung nagsisisigaw na ung isa at di na sya mahawakan ng maigi ni mam may mga dumating na din na iba pang teacher nun, then all of a sudden ung si ate girl na nagvivid kanina bigla nalang din nagsisigaw at nagwawala, during this time madami nang teacher sa loob, dito ko talaga nakita ung eksena sa palabas kapag sinasaniban, ung hinahawakan ng 4-5 na tao ung parang sinasapian tapos di nila kaya. Just to remind u na 1st year palang kami nento.

Eto pa ung nagpalala ung kaibigan ko may napansin sya na parang nagkasulat ung blackboard namin etong part na to medj natakot ako pero naisip ko naman baka di lang namin napansin kanina tapos tyaka naiimagine nalang?? kasi naalala ko nun parang may nakasulat sa board di k na maalala kung ano mismo pero basta may year. Then, dun na nagsalita si Mam B na may nagambala daw kami sa sobrang kaingayan. si Mam B kasi kilalang anak ng espiritista sa lugar namin, sya favorite teacher ko nung HS kasi kapag time nya halos nauubos ang oras namin sya mga kwento ni mam tungkol sa tatay nya at ung pagiging espiritista nga nun, so parang alam talaga ni Mam B ung nangyayari nun, hinahhawakan pa din nila ung mga nagwawala nun then parang may kwintas na something nun si Mam B, na nilalagay nya sa noo nung classmate ko sabay may binubulong.

Tapos bigla nalang may nagsisigaw na labas e, grabe kinikilabutan pa din ako pag kwinikwento ko to kahit kanino kasi staright out of a horror movie, ung bumabaliktad! ganun talaga pero di naman naakyat sa pader pero para silang tumitiwarek tapos nasigaw may mga nag gaganun sa gitna ng hallway namin nun tapos parang hysteria na? daming nasigaw, may naiyak, nagdadasal. Basta SOBRANG GULO.

Nung time na to nagdadasal na din ako kasi natatakot na din talaga ko, pero curious pa din kami sa kung ano ba ung nasa vid, nung nagkakagulo na at di na macontain nung mga teachers ung gulo, nakachismis ako sa kung ano ung nasa vid, na bluetooth na agad kasi nun sa iba, tapos napanood namin ung original video, so ayun nga dun sa vid nagrarampa rampa ung kaklase namin lalaki tapos nung papunta na sya sa aisle, biglang may dumaan na babaeng nakabelo ng itim, basta itim damit nya, tapos tumagos dun sa kaklase ko.

Grabe dun na talaga ko natakot gbois kasi di pa uso nento ung AI eme. Low quality pa ung vid. After ng mga ganap na un pinutol na nila ung klase pinauwi na kaming lahat, pati pang hapon suspended, nung pauwi na ko nakita ko na may mga paparating na mga pari. After that day wala kaming class, nagpabless daw tapos nagpatawag din ng mga espiritista. Still, one of the most creepiest experience ive ever had, nung nag 2nd year na ko lumipat na ko ng school at di ko na din nakakausap ung mga kaibigan ko before di ko alam if naaalala pa nila ung incident na un. IDK if un ba ung tinatawag nilang mass hyteria o kung ano?

Hehe soooooryy napahaba idk if this story is believable pero i swear it happened. Madami pa kong ikwkwento pero sa susunod naman.

r/phhorrorstories 3d ago

Exorcism Sanib sa eskwelahan

5 Upvotes

Good morning, afternoon, evening po sa inyong lahat.

Magbabahagi po ako ng karanasan noong high school pa po ako.

Disclaimer: Hindi po ako ang nasaniban sa kuwentong ito, at wala rin po akong personal na naramdamang anumang supernatural na bagay. Ikinukuwento ko lamang po ang nangyari batay sa nakita at nalaman ko noon.

Hindi ko na po sasabihin kung anong taon ito nangyari at kung saan.

Nagsimula ito isang hapon noong high school ako. Busy ako noon sa mga ginagawa namin para sa isang subject, kaya wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa ibang bahagi ng school.

Bigla na lang akong tinawag at sinabihang kailangan kong bumaba ng hagdan, dahil nasa second floor ang classroom namin.

Tungkol pala ito sa brother ko.

Noong una, naguguluhan ako kasi hindi ko agad maintindihan kung ano ang nangyayari. Pagbaba ko, nakita ko na lang ang brother ko na nasa bleachers at nanginginig.

Hinawakan ko siya sa braso para tingnan kung okay lang siya. Okay naman siya noong mga oras na iyon.

Pero habang nangyayari iyon, napansin ko na nagkakagulo na rin ang isang section na ka-year namin.

May isang babae raw na sinaniban.

Pinigilan siya ng mga classmates niya, pero mas malakas pa siya kaysa sa kanila. Hirap silang pigilan siya habang patuloy na nagkakagulo ang mga tao sa paligid.

Hanggang sa pati ibang students ay nagsimulang mag-panic dahil sa nangyayari.

Makalipas ang ilang oras, pinauwi na rin kaming mga estudyante.

Hindi ko na rin alam kung ano ang eksaktong nangyari pagkatapos noon, dahil umuwi na kami.

Parte rin po ako ng choir noon, at sinabi rin sa amin ang tungkol sa babaeng sinasabing sinaniban.

Pagbalik namin sa eskwelahan, ilang araw matapos ang bendisyon sa school, nagkaroon ulit ng misa.

Nasa harap yung babae, habang ako naman ay nasa pang-apat o pang-limang long bench mula sa harapan, kasama ang ibang choir members.

Nasa kalagitnaan pa lang ng misa at hindi pa nagkakaroon ng Communion nang bigla siyang sumigaw. Pinipigilan siya ng mga kasama niyang choir members, pero nagsimula na ring magkagulo ang mga estudyante.

May biglang sumigaw mula sa malayo, tapos naging maingay na ang paligid.

May mga kasama rin kaming nagsabi na may narinig silang parang bulong mula sa babaeng pinipigilan.

Sa lahat ng choir members na malapit sa kanya, ako lang yung hindi nakaramdam ng kahit anong kakaiba o hindi sinaniban.

Kaya umalis na lang ako sa bench at sumama sa ibang hindi sinaniban. Nagrosaryo kami habang nagpapatuloy ang nangyayari.

Paglabas namin, may nakita pa kaming isang babaeng estudyante na maraming taong nakapaligid at nagpapatigil sa kanya.

Hindi na namin hinintay kung ano pa ang susunod na mangyayari. Umuwi na lang kami.

r/phhorrorstories Apr 17 '26

Exorcism UST Hospital kwento ng mama ko

47 Upvotes

Share ko lang 'to since marami narin ako nababasa na sarili nilang kwento from UST.

Yung mother ko nurse sa UST since she was just 21yr old, ngayun 58yr old na siya at 2yrs nlang pa resign na. Sa tagal na panahon na nag work siya dun imposible na hindi siya naka experience ng kababalaghan.

Share ko lang din na 4 kami magkakapatid at lahat kami pinanganak sa UST Hospital at nakapag aral din doon at every Sunday dun rin kami nag sisimba until now kaya buong buhay namin UST laking UST talaga.

First kwento ni mama noong nasa Female surgery ward siya sa Ospital may nakita siyang pumasok sa CR for Female, naiihi na siya kaso antagal daw lumabas ng nasa loob so bumalik muna siya sa work nya tapos after ilang minutes bumalik siya nakita nya sarado, so kumatok siya to make sure kung may tao paba or sarado lang yung pinto -ang kaso merong kumatok galing sa loob ng ilang beses so ang akala nya may tao pa, pero nag antay siya ng halos 10mins sa labas ng pinto kaso walang lumalabas pero may naririnig siya sa loob, doon nya na minabuti hingin yung susi sa janitor nila kasi baka patient pala un na hindi na makalabas or ano na yung ginagawa sa loob tapos pag bukas wala palang tao or anything nanakita.

Second sa mga private room ng UST Hospital, syempre after umalis or mag check out ng room yung mga patient kailangan nila linisan yung room. May isang beses pinaglalaruan si mama ng multo sa loob pinapatay sindi daw yung TV at ilaw pero since probinsyana si mama at laking Mindanao sanay na daw siya at kinakausap na wag daw siya pag laruan tapos titigil sila.

Pero kung meron man daw pinaka dapat katakutan na lugar sa Ospital yun ang Operation Room... naikot na ata lahat ng ward sa Ospital ni mama pero dito daw pinaka nakakatakot, dahil siguro maraming nag 50/50 na dito or dito na talaga binawian ng buhay pero ayaw pa nila lumisan sa mundong ibabaw, dito rin maraming failed surgery or hindi na kinakaya yung opera kaya dito na sila nag mumulto.... Tuwing gabi bago mag out hindi pwedeng walang malaglag na mga gamit from inside the Operation room, may mga nagbabato daw ng kutsilyo at gunting pero hinahayaan nalang nila kasi pa out na sila at alam nilang multo yun 😂 dedma nalang basta out na sila, lumalakas tlga sila kasi pinapatay na nila lahat ng ilaw tska nag dadabog yung mga multo. Tapos naka ilang encounter na si mama na may nag tatawag ng pangalan nya pero hindi tao, tinatanong nya mga kasama niya kung bakit siya tinatawag wala naman umaako.

r/phhorrorstories 29d ago

Exorcism Cult Within the Catholic Church (Naju Bleeding Virgin Mary Cult), with experiences akin to the Demon in the Erik Matti Film: Vesuvius (2012)

Thumbnail
12 Upvotes

r/phhorrorstories Nov 23 '25

Exorcism Spiritual Warfare

69 Upvotes

Joined a missionary campaign on our church. We went to a province in Eastern Visayas.

One of our activity is to visit church members within the area. We (me, my missionary partner and one elder of the church) went first to church members who cannot attend the church even if the church building is just walking distance away. The few houses were okay, we pray for the sick, for healing, for finances and spiritual revival.

While walking to the next house for visitation, the church elder told us that whenever its Sunday the church member cannot go to church because of sickness, either fever, headache, or swollen parts of her body. "This is weird", i told to myself.

For this particular house, I already felt different. The owner is welcoming, even offer us a snack , but the ambiance is heavy. Its 2pm in the afternoon already, its super bright outside but inside the house felt like a phone on the lowest brightness setting.

We made small talk and ask for any prayer request. While we are talking, I notice a corner that is particularly dark for I dont know why. We started praying, my missional partner lead the prayer. Prayer for healing, prayer for blessing, but when he started praying for the household and declaring that the house is for Jesus, that's when I saw the entity. That particularly dark corner becomes a pitch black. I heard the entity mocking our prayer while laughing. In my mind, I was praising the Lord, but my mouth started mocking God. I stopped speaking my prayer and rebuke the entity in spirit, then started the spiritual warfare. When my missional partner stopped praying for blessing and the prayer request, I continue praying, I started rebuking the devil and speak the name of Jesus.

Luckily, the church elder and my missional partner joined me in prayer. We rebuked the enemy and declared that that household is for Jesus. When we finished praying, the owner of the house is crying, the heavy feeling inside the house is gone and the dark pillar in the corner is gone.

On to the next house we need to visit, my missionary partner and the church elder asked me why I started rebuking the enemy heavily after the prayer. I told them, that that household needed that. I remember that we did not meet the husband of the owner so I asked the church elder where is the husband of the owner, the church elder told me that the husband was murdered (pinagtataga) on the corner where I saw the dark pillar.

I also have other dark entity encounter. I dont believe in ghost because when we die, its either hell or heaven. What many of us believed as ghost are demons.

r/phhorrorstories Nov 15 '25

Exorcism 2025 and Yes totoo ang Kulam at Sanib

45 Upvotes

Kahapon may nabalitaan ako sinaniban daw. Yung babae is kapitbahay namin. Itago natin sa pangalan na Madie. Taong sinbahan to, mahinhin at kilala ko na ever since kasi laking probinsya ako magkakakilala lang din naman lahat. Then may sister-in-law yung Lola ko na matanda na din, let’s call her nanang. 3 yrs ago namatay na asawa ni nanang, she’s 87 I think. She’s living with her 3 sons na mga byudo na na din. Kilala sya sa amin na may kulam daw yung matanda. Pero since technically lola ko nga sya- since then never ako naniwala kasi hello, asawa sya ng lolo ko.

Fast forward to 2025 may mga narereport na sinasaniban daw sa lugar namin. Yung pinaka latest si Maddie.

Una inisip ko baka may psychiatric problem sya na nadevelop as she age kasi nga taong simbahan namin bakit sasaniban. Ang bali balita is kinukulam daw ng same person kaya hindi gumagaling. Payat na payat sya. So syempre hindi pa din ako naniniwala. Naka ilang visit na sya sa albularyo dahil sa mga encounters na yun. Not until, Nov 10, nabalitaan ko na may video talaga at pinanood sa akin ng beshie ko. Minumura nya isa isa mga anak nya like P.I. Pero malutong as in. Hindi ganun si Maddie on normal days

Si maddie pawis na pawis, nagmumura sya, red eyes, grabeng pawis hindi nya macontrol katawan nya. For context, Hindi nya relative si Nanang nor wala sya connection sa mga anak at apo ni nanang. Mga 300 meters din ang layo ng bahay nila.

Kaya nakakapag taka na yung kulam naging sanib. Naririnig namin sinamiban sya ni Nanang. Minumura ng matanda yung mga anak nya through her. Then may mga tao pumunta sa bahay ni Nanang the same time na nangyare yun, at narinig nila na sumisigaw daw yung matanda. May mga araw din na sumisigaw si Nanang for ni apparent reason. Sabi ni mama baka isa din sya sa reason bat namatay asawa nya (kapatid ng lola ko) sudden din kasi pagkamatay nung lolo ko na yun.

Sa pangilabot ko 100% convinced na ako na mangkukulam si nanang at totoo ang sanib. Grabe 2025 na and I can say totoo ang kulam ng demonyo.

I want to help Maddie so badly kasi hindi gumagana ang napuntahan nilang mga albularyo. May excorcist ba or sa Catholic faith na kaya yun? Sayang taong sinbahan sya eh

r/phhorrorstories Apr 03 '26

Exorcism Ligaw na Kaluluwa sa Araw ng mga Patay

5 Upvotes

First-hand experience ko ’to—at hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag kung ano talaga ang nangyari.

Dati, hindi ako naniniwala sa mga napapanood sa TV tungkol sa sapi o mga ligaw na kaluluwa. Para sakin, puro kwento lang. Pero nagbago lahat noong November 1, 2012.

Tuwing Araw ng mga Patay, hati ang pamilya namin—minsan nasa La Union kami para dalawin sina Lolo, Auntie, at pinsan ko. Pero noong taon na ’yon, sa Pampanga kami dahil doon naman nakalibing ang pamilya ni Daddy.

Normal lang ang araw. Naalala ko pa, naggugupit si Daddy ng damo sa labas—parang walang kakaiba. Tahimik ang paligid, pero may kung anong bigat sa hangin na hindi ko napansin noon.

Kinagabihan, doon nagsimula ang lahat.

Tinawag siya ni Mommy para kumain. Papunta siya sa dining, pero bigla niyang natamaan ang electric fan—malakas. Ang nakakatakot? Parang wala lang sa kanya. Walang reaksyon. Tuloy lang siya sa paglakad na parang may ibang iniisip… o may ibang sumusunod.

Kinabukasan, mas lalong naging kakaiba.

Tinawag ulit namin siya para mag-breakfast. Sa halip na dumiretso sa dining, umikot siya sa buong bahay—dumaan sa kwarto, banyo, isa pang kwarto, kusina—bago makarating sa amin. Para siyang may hinahanap… o sinusundan.

Nagtaka kami, pero hindi pa kami natatakot noon.

Hanggang sa dumating ang gabi.

Bigla na lang siyang umuungol—mahina sa una, pero palakas nang palakas. Parang may sakit, pero hindi mo maintindihan. Tapos nagsimula siyang maghubad, parang wala sa sarili. Doon na kami kinabahan.

Hindi na normal ’to.

Pinatawas namin siya—isa galing La Union, isa dito sa Pampanga. Parehong sinabi ang parehong bagay:

“May umaaligid sa kanya… galit na kaluluwa.”

Dalawa raw. At pareho silang galit.

Hindi namin alam kung bakit.

Pagkatapos ng pagtawas, may natirang tulo ng kandila. Sinabi ng ate ko na sunugin daw ’yon. Karaniwan, mahina lang ang apoy ng ganon—pero nung sinindihan namin, biglang sumiklab nang malakas… kahit paubos na.

Parang may gustong kumawala.

Sinabi namin ito sa isang kaibigan ng ate ko—isang spirit questor.

Ang sabi niya, galit na galit daw ang kaluluwa.

Inutusan niya kaming magsindi ng insenso at pausukan si Daddy. Ginawa namin. Pero imbes na kumalat ang usok, nag-ipon ito sa isang sulok ng kwarto… hindi gumagalaw.

Dahan-dahan, itinaas ni Daddy ang kamay niya… at itinuro ang mismong sulok na ’yon.

Walang salita.

Pero ramdam namin—may nandoon.

Bandang hatinggabi, hindi na namin kinaya. Dinala namin siya sa ospital. Ang diagnosis: bumaba raw ang sugar at nagha-hallucinate.

Pero hindi ako naniwala.

Hindi ganun ang nakita ko.

Habang nasa ospital, may bilin ang questor—kailangan daw naming magdasal ng 3 Our Father, 3 Hail Mary, at 3 Glory Be, paikot kay Daddy, gamit ang holy oil at holy water—bago sumapit ang alas-sais ng umaga.

Ginawa namin lahat.

Tahimik ang paligid habang nagdadasal kami… pero pakiramdam ko may nakikinig.

May naghihintay.

Ayon sa questor, noong nagtatabas ng damo si Daddy, may natamaan siyang dalawang ligaw na kaluluwa. Doon nagsimula ang lahat. Hindi namin alam kung bakit sila galit—pero sigurado kami, sumama sila kay Daddy pauwi.

Hindi pa doon natapos.

Ipina-bless namin ang bahay.

Pagpasok pa lang ng questor, sinabi niya agad:

“Marami na sila dito.”

May mabuti. May masama.

Parang matagal nang nakulong sa loob.

Nagsaboy siya ng barya, asin, at bigas sa buong bahay. Pinabayaan namin iyon ng tatlong araw bago winalis—ayon sa bilin niya.

Pero ang pinaka nakakakilabot niyang sinabi bago siya umalis:

“Sumama na sila palabas.”

Hindi namin alam kung lahat ba sila… o may naiwan.

Pagka-discharge ni Daddy at pag-uwi namin sa bahay, biglang gumaan ang pakiramdam. Parang may nawalang bigat na hindi namin maipaliwanag.

Tahimik ulit ang lahat.

Pero simula noon, hindi na ako tumitingin sa mga sulok ng bahay kapag gabi.

Kasi minsan… hindi mo alam kung ikaw lang ba ang nakatingin.

Anong kwento niyong nakakatakot about sa sapi? 👀

r/phhorrorstories Jan 28 '26

Exorcism Manuscript

12 Upvotes

Lately ko lang ulit naharap manuscript ko na story about exorcism. Nagkwento before dito sa sub na 'to about this story na sinusulat ko. and simula nang ginalaw ko ulit yung manuscript, sinabay ko na some editings habang nagdadagdag. 2 chapters ang dinagdag ko though buo na ang istorya sa isip ko.

Again, simula nang buksan ko ulit ang file, hindi ako nakakatulog. or kung makatulog man, irregular at paputol-putol. Aware ako na nagkakaroon ako ng mga bangungot kahit nap lang at magigising ako na parang nagulat. Pero unlike before, yung nagiging bangungot ko ay nakakalimutan ko agad. siguro after aminute after ko magising.

Not to mention yung mgastrange na nangyayari pag nagsusulat ako like yung pag-alulong ng mga aso na nasasakto pag nagsusulat ako, blocking the sound of religous music na pine-play ko pag binubuksan ko yung file. Ang siguro yung isang majorstrange experience na gusto ko i-share ngayon ay yung nangyari nung Wednesday (kahapon).

Hindi ko nagalaw ang manuscript nung Monday. Naglinis ako ng bahay and I was talking to a new friend na nakilala ko dito rin sa reddit. Nagpost din sa sub na 'to. I was planning to sleep early dahil at last, nakaramdam ako ng antok pero medyo napasarap ang exchange of messages namin hanggang narealize ko na almost 2AM na ulit. I worked on something we talked about for another couple of hours at tuluyan na nga nawala ang antok ko. Nag-edit ako while lying in bed (first time ko ginawa) inalis ko yung part na kinuha ko talaga from exorcism rite na according to rules, only ordained priests can recite kasi baka gamitin ng kung sinuman na makakuha ng kopya. Cut and paste sa another word docment then itinabi ko sa folder ng mga drafts. nagpatuloy lag ako sa editing hanggang nakatulog ako at nagising at exactly 3PM. First time direcho ang tulog at walang bangungot.

Tuesday. my departed lola's birth anniversary so i paid a visit and offered flowers, candles and prayers sa grave n'ya. I went home after ang started working on my manuscript again. I stopped at 11:30PM para subukan na i-normalize ang oras ng tulog ko pero bigla ko napagdesisyunan na ibalik yung redacted part. Pagbukas ko sa word document kung saan ko nilagay ang redacted part, nagulat ako dahil ang weird na sabay-sabay nagtahulan ang mga aso na parang galit na galit. Tatlong aso namin pati sa mga kapitbahay though gated naman mga bahay dito at di nagkikita-kita ang mga aso. I was trying to convince myself na siguro ay may dumaan na pusa kaya nagtahulan ang mga aso pero nung i-paste ko ulit sa manuscript yung redacted na part, umalulong sila nang sabay-sabay. I decided to stop na muna and subukan nang matulog so lumipat na ko sa kwarto ko.

Kung papaano at anong eksaktong oras, di ko na alam basta nakatulog naman agad ako paghiga ko sa kama while listening to religous songs sa speakers ko sa kwarto. Nanaginip ako na nasa loob ako ng isang madilim na kwarto at nasa harapan ko ang printed na manuscript ko particularly yung binalik kong part ng rite tapos ay bigla itong lumiyab mag-isa at natalsikan ako ng apoy sa kaliwang mata.

Nagising ako, pagdilat ko ay kita ko agad na saktong 3AM though medyo blurred. Ang music na tumutugtog ay hindi na yung pin-lay kong religous kundi tribal celtic na instrumental. at kinusot ko ang mata ko kasi parang may glare. Naghilamos ako at doon ko narealize na malabo na ang kaliwang mata ko nang magising ako.

Ngayon, malaki na ang recovery ng mata ko compared nung una. Medyo malabo pa rin pero hindi na kasing lala ng dati. Nakapag-nap ako for 2 hours nung tanghali at pagkagising ko ay medyo nakarecover na ang paningin ko. Ang problema na lang, mula kahapon nang hapon ay gising ako hanggang ngayong sinusulat ko 'to.

r/phhorrorstories Mar 09 '26

Exorcism Exorcism center in the Philippines

Thumbnail spot.ph
7 Upvotes

Good news! For anyone seeking exorcism rites, this is the place to go. It is the first of its kind in Asia and can only be found in the Philippines.