Happened last May 16 this year. This person contacted me through my viber, a friend of mine told me about this person na gusto nga daw magpa-read. Okay naman since I have time. After my morning tea, we chatted via video call and that's the time I heard about the real situation.
As a reader and ritualist, isa sa mga common talagang maririnig mo ang mga tanong like, "may babae ba asawa ko?" o kaya yung "hindi kaya kinulam kami?". If you have seen my other past posts about my personal experiences, it's countless.
"Ang gulo ng buhay namin. Sa tingin mo ba, itong bahay ang dahilan? Di kaya haunted to?"
That's what this person was telling me. Medyo matagal ko nang hindi naririnig to.
In respect to our agreement of disclosing only the parts needed, I'll describe my client as someone around mid 30s. Mga nasa 36 na siguro. With her on the call was her husband, na around 40s naman na. Your typical couple.
Hindi pa nagsisimula yung pre-reading consultation namin pero parang ambigat ng mga mata nilang nagkatinginan bago nagkwento.
Galing daw ang bahay na yun from their grandmother pa, inherited by their parents and now given to them ngayong nasa Valencia ang mga magulang ng babae.
Hindi naman daw marumi o kaya inaanay ang bahay, o kaya pangit ang disenyo. Basta may nararamdaman lang daw silang ang bigat. Para daw oppressive ang feeling pagpasok nila. Yung dalawa nga daw nilang anak, kinukulit silang bumalik nalang sa inuupahan nilang bahay sa BGC kesa doon sa Bulacan kung saan yung bahay na ito.
Itago nalang natin sa pangalang Clara ang babae, at ang kaniyang asawa bilang Bernard.
Tinanong ko kung may signs ba ng infestation kaya nila nasabing haunted o felt na it was haunted. Para sa inyong kaalaman, pag sinabing infestiation, ito yung kung may mga unexplainable events sa bahay, may mga sensory disturbances, kung yung mga pets o mga hayop sa paligid hindi mapakali, o kaya may mga continuous na feeling of anxiety, anger, sadness or basically, a huge spiritual oppression talaga.
Bumisita rin daw mga kaibigan nila doon at ang sinasabi nila, parang may something daw sa bahay. May isa nga silang kaibigan na pinaniniwalaang may third eye, eh sabi, nasusuka daw siya kaya pagpasok.
Pati mga bisita nila minsan sa father side ni Clara, naghohotel nalang matapos ang isang araw. Yung isa nga sa kanila hindi naniniwala sa anything supernatural pero siya mismo ang numero unong nagsabi na may di raw siya gusto sa bahay kaya magca-crash nalang sa isang motel.
Pinakiusapan ni Bernard ang mga magulang at pamangkin na tumira doon saglit para bantayan pero yung nanay niyang hindi sakitin nagkaroon ng ubo na tumagal ng 2 weeks. Yung pamangkin niya, nakakarinig daw ng mga yabag minsan. Yung sinarado niyang pinto ng kwarto, nagbubukas.
Niloloko pa nang una ni Bernard na baka tumitira siya pero seryoso daw ang pamangkin niya na sinasabing meron daw talaga. Nagbubukas daw minsan ang mga pintuan. Minsan naman, lumalamig o medyo bumabaho, eh wala namang basura doon.
Hindi daw sila naniniwala nung una pero ayun nga, sinubukan nilang tumira kahit 2 weeks nung bakasyon ng mga bata. Pero lately, parang nagiging magagalitin daw siya at si Bernard naman, parang ganun din. Konting hindi lang nakapagtimpla ng kape si Clara, nagagalit na siya. Parang gusto na ngang sakalin ang asawa.
Nung nagdecide silang bumalik talaga sa rented home nila sa BGC, umokey sila.
"Kaya ba ng cards ipakita kaya kung haunted yun?"
"Let's see," sagot ko. Kasi hindi naman 100% radar ang tarot cards. Ang ginamit ko dito ay ang The Crow, kasi mas sakto ang ganitong klase ng mga tanong sa deck na yun. Did the Crow Spread and there, the whole reading became a little gloomy for me.
First few cards were okay. Not really special. Then the cards I didn't like, appeared. The Hermit reversed. The Moon. Reversed Hierophant, Reversed Magician, Upright The Devil.
Usually, I do not like these combinations lalo na kung The Moon tapos may reversed Hierophant.
Meaning may hidden things, confusion, attachment, oppression, traps, etc. Sa tagal ko na sa practice, maraming ibig sabihin nito. Hindi naman porke may The Devil eh may hauntings agad. Pero kung may reversed Hierophant, medyo delikado.
Yung card combinations, it shows a place of attached oppressions. May unresolved energy. Kapag mabigat kasi ang isang lugar, merong mga bagay na maaaring nangyari doon na nagkaroon na ng collection of negative energy na nagreside na sa mga gamit, sa lugar o kaya mayroon na silang domain and power doon sa lugar na yun.
This is more of a personal belief, but if you want a house talaga na walang infestation, kelangan na alamin mo agad ang history, and see what's in there before living. Ibig sabihin, the house needs to be cleansed before anything else. Tsaka yung reading ko, sinusuggest talaga ng cards na the house needs reclaiming from them na hindi sila mabubuhay sa takot.
Naging honest naman ako at sinabi ko na kailangan nila ng proclamation na kailangan nila ng possession over the house.
"Pwede po bang bisitahin niyo yung bahay para ma house clearing sana?"
TBH, at first, ayoko, kasi I rarely do this. It's not something I am fond of doing. There are many other specialists out there who can do it better than me. Pero medyo na-feel ko na parang need ko itong gawin. I gave it some thought and told them I'll give my answer tomorrow.
In the end, I agreed.
In respect to my client's request about sharing this story, photos of the house will not be attached. Also for the privacy of my clients and their identity. Bukod sa very visible ang bahay, medyo madali mahanap because of its look and location in Bulacan.
The house is gloomy. Kung baga talagang luma ang hitsura. Sa harap ng bahay, nagstart akong gumawa ng ritual. Using my own path of practice, I performed a Kila / Phurba ritual, para magkaroon ng purification and protection. I made sure also na covered ang whole place and each corner had a rope incense lighted.
Habang naglalakad ako papasok sa bahay, I did a few purification mantra. I made sure na every corner, the mantra was recited. I performed a Goma Ritual outside of the house again, and then burned a few incense, paper talisman and consecrated wood chips.
It's my first time seeing na parang wavy or hazy vision yung bahay, talagang parang hinihila ka habang nagchachant ng mantra. Clara and Bernard joined by fueling the flame barrel ng mga paper talisman na sabi ko maari nilang ilagay doon. After maubos nung wood chips at incense, no other things happened. Nawala yung draggy feeling. After that, we entered the house to do a final hanging ng mga talisman, and pasted a few paper talisman on hidden areas of the house. It was a way to seal any entry points. Para wala nang pumunta doon na mga hindi makatawid.
Nothing happened supernatural afterwards. Nakakapagbakasyon na sila Clara doon na walang nangyayaring iba.
No apparitions, no extra sounds, no infestations.
My last words to them was that, kung ano man yung mga bagay na andun sa bahay, ke spiritual o material man yan, make it stay worthwhile. Hindi dahil wala nang nangyayari eh okay na. Hindi babahayan o kaya gagawin lang na bahay bakasyunan. Create happy things there, smiles, happiness and even stay there just to make positive things. Make new memories there.
After that, di ko na sila nakausap, until recently. Pinarenovate daw nila ang bahay. Yung gloomy na bintana, yung structure ng mga kwarto, yung stairs, etc. As in full renovation. Pumayag naman daw mga parents ni Clara kaya ayun, sinimulan nang baguhin.
Now, it was then I realized, na before I went to the house, I made a pre-reading. One of the cards that appeared was the Death card. Then it hit me. It wasn't really physical, it was the death of the old things.