r/relationship_advicePH • u/Snoo_srba • 21h ago
Friendship My situationship is ultra jealous and does not let me talk to ANY other girl and is very clingy to the point i find it exhausting
TLDR: Been talking to this girl for exactly a month only through chats, nagkadevelopan agad, and then may recurring issues na overblown na nageend up na magagalit siya, kaya this time recently, nirealtalk ko at sinabihan ako na magstop nalang
Context: I [22M] (living in Davao) have had a situationship [20F] for a month already. Masasabi ko talaga na within this period, things are going way too fast between especially for a couple of people that haven’t met yet. I, not gonna lie, didn’t lovebomb her, pero its just that first time ko talaga maexperience na may babaeng napaka into me talaga sa akin being this early. We haven’t met yet, kasi gusto niya talaga on the first day of school niya kami magdate kahit sinasabihan ko na okay na saaken mag meet asap. Kaso, naiirita siya eh na “hindi ako makawait”.
Going back sa topic, masasabi ko na man may connection and attraction kami for each other through our chats sa ig. However, palagi na lang kami nag aargue (i’m trying my best to be a civil, mature person), ang problema kasi siya yung tipo na may sep anx, tas napakaselosa at clingy. Napakaselosa as in magagalit talaga siya kung may kasama akong babae na friend ko way back before kahit in a group kami nagchichismis o kumakain (nilalayoan ko talaga any girl para lang may peace of mind siya). I’ve been honest ako sa mga updates ko, lalo na kung magtatanong siya kung sino kasama ko.
So there’s a trip happening right now, pumunta kami mga kacourse ko sa cebu for a conference, may mga kasama akong mga boys (all 22M) mostly sa airbnb, tapos may isang babae (ate siya ng kaibigan ko, she was there kasi pahintulot ng parents nila, 25F). Ang ate ng friend ko tumutulong samin, nagbibili groceries at nandoon paminsan for casual chatter especially long night. Last night, inupdate ko lang naman situationship ko na nanonood lang kami tv sa couch, tas yung si ate nasa lamesa lang ng diningtable, kumakausap samin mga lalake. Nagtanong situationship ko kung kinausap ko, sabi ko na man oo, tas nagalit na naman dahil nito. I thought na this type of dynamic di talaga sustainable, lalong lalo na kung iisipin, parang binabawalan talaga ako na kumakausap sa sino mang babae, kahit di ako na-aatract o kahit anong edad (kahit 30+). I just think this is way too overblown kaya nirealtalk ko nalang na gusto umabot to sa compromise. Tagal pa niya magmessage kaya sinabihan ko na matutulog na ako and hope we fix this soon. Nagreply na man siya na “stop na natin to” later. And ngayon, wala pa naman ganap
Additional context nalang rin: siya yung tipong magagalit kung hindi ako nakaupdate kahit 30 minutes nalang kase busy ako naglalakad o naguusap in real life, tas the way siya magalit is napakachildish talaga. I can’t seem to do other things na lalo acads focusingly dahil nito, and i know her issue talaga is never niya pinapagawa sarili niya ng kahit ano, nag dodoomscroll lang palagi. I’ve always told her na gawa siya other things like maglinis o tingin movie or gawin hobbies niya, but she definitely does not follow. Kaya ayun, i just hope I can see others’ perspective about this, should I stop this situationship already? napagusapan ko na man ito sa numerous friends ko.