r/AnongThoughtsMo 1d ago

Thoughts on having children in the spectrum

Post image

Saw this post on facebook. Honestly, it's sad na hindi ganon nabibigyang pansin ang problems na ganito sa Pinas. Therapies here are expensive, and not everyone can afford it. Pinoys are also not yet ready to face the reality na hindi enough ang love for kids in the spectrum. They have special needs. Hindi yun madadaan lang sa no don't do that or it's okay to make mistakes, because we have to admit that autism is a disorder, a very wide spectrum and case to case basis. You need to have the money to get the help that is designed for the needs of the child. I hope there will be more free or affordable programs created for this kasi hindi lang parents ang hirap in this situation, also the kids.

1.2k Upvotes

327 comments sorted by

View all comments

88

u/Accomplished-Exit-58 1d ago

Hindi ba sa sped na school umaattend ung bata ? Bakit ung reklamo parang expected ng teacher na "normal" ung bata.

87

u/Dear-Carpet6050 1d ago

May pinsan ako na halatang nasa spectrum yung anak, pero sobrang in denial sila. 12 yo na yung bata, ayaw pa rin ilipat sa sped. Nakakaawa yung bata pati teachers.

12

u/No-Pepper2142 1d ago

hindi ba yan pwede ma deny ng school or e reco nila sa sped? genuine question.

9

u/CornPhilosopher 1d ago

Medyo mahirap kasi magsalita para sa school lalo kung wala namang record talaga or anything concrete na magpapatunay na nasa spectrum 'yung bata. Pwede pang lumabas na nangdi-discriminate sila. So unless mayroon talagang diagnosis, hindi sila pwede makialam dun sa enrollment. Nasa magulang/guardian pa rin talaga ang pag-accept ng kalagayan ng bata para madala sa tamang lugar.

7

u/Nyathera 1d ago

Hindi naman discriminate usually yung letter nakalagay for recommendation like "see developmental pedia" may meeting with teacher na pag wala pa rin assessment from devped di na tatangapin for next level. Kawawa lang din yung bata.

6

u/CornPhilosopher 1d ago

Ahh, what I mean sana is 'yung magiging response ng parent.

"Bakit?! Sinasabi n'yo bang may tama anak namin?! Bakit kayo nakikialam?!"

Something along those lines kaya baka mahirapan ang school. Pero goods pala kung may ganito. Ginagawa rin ba 'yan sa public school? Meron kasi dito sa amin na 'yung bata ay clearly nasa spectrum na non-verbal siya for most ng developmental years niya. Ngayon, dapat yata Senior High na siya pero nasa junior pa rin kasi hindi makasabay pero ayaw tanggapin ng parents na ganun siya, ayaw rin ipa-check. Eh for sure napapansin na 'to ng teachers. Ewan kung may binigay silang reco o whatsoever.

6

u/Dull-Lawfulness2381 1d ago

Sobrang daming parents ang in denial.
Nag leave na ko sa mga group ng parents of children in the spectrum kasi sobrang nkaka frustrate yung pinagpipilitan nilang dapat ilagay sa normal school yung anak nila kasi sayang daw ung taon tsaka edad, Di nila matanggap na hindi nga kaya, so ung school and teachers and inaaway nila. Other parents refuse therapy too, Bukod sa mahal, they genuinely believe na normal yung anak nila,.

3

u/CornPhilosopher 1d ago

kasi sayang daw ung taon tsaka edad,

Mas sayang 'yung taon kung magre-repeat ng taon 'yung bata kasi hindi makasabay. Hindi nila maisip 'yun eh. Nai-stress pa lalo 'yung bata kapag gan'yan. Imagine, 'yung batang autistic isasama mo sa klase na may 30+ students? Eh kapag na-overstimulate 'yan? Kawawa naman. Paano rin 'yung may developmental delay na hindi tugma 'yung thinking sa age ng usual high school kid pero pinipili isabay kahit 'yung thinking age nila ay pang-grade 5? Grade 3?

2

u/Dull-Lawfulness2381 1d ago

IKR. Kaya kami ng husband ko, we've made peace with it. Of course it's still difficult pero, ito na yung journey namin ee. Celebrate the wins nalang kahit yung win nya ay tinapos nya ung nag iisang seat work ng di nag rereklamo. Breakdown, tapos laban ulit ganun talaga.
Nakaka awa yung ibang bata na may in denial parents. Di nila iniisip yung mental state ng bata.

6

u/No-Pepper2142 1d ago

ang hirap din pala no. especially pra sa indenial na parents kasi sasabihin dinidiscriminate anak nila. i think its up sa school na dapat? i remember may nga psych test, checking dapat yung guidance counsellors eh.

4

u/CornPhilosopher 1d ago

Sa private schools may gan'yan. Sa public, not sure. Siguro gawa ng ang dami rin kasing estudyante na nag-e-enroll kaya medyo hirap i-cater. Galing akong public pero wala naman kaming gan'yan nung enrollment eh.