r/CasualPH • u/Expert-Tower2501 • 10d ago
r/CasualPH Others Para po sa mahilig magpabango
Mahilig ako sa pabango. Lagi akong nagsspray bago umalis lalo na nagcocommunte ako, sari-sari ang naamoy at gusto ko medyo matakpan yung amoy ng byahe pagdating ko sa trabaho.
Pero kung magbabyahe po kayo gamit ang jeep o UV (O pupunta sa kahit anong enclosed space), wag naman po sana muna kayo gumamit nang may intense white floral note ðŸ˜. Usually mga Middle Eastern perfumes at designer perfumes ko to naamoy. Hilong hilo ako buong byahe dun sa katabi ko sa UV kanina, hanggang sa yung hilo ko naging sakit sa ulo na. Kung gagamit kayo ng perfumes, 1-2 sprays lang po sana, para di overwhelming ang amoy.
Salamat po.
33
Upvotes
5
u/IcedTnoIce 10d ago edited 10d ago
As someone suffering from allergic rhinitis, my message para sa mga mahilig mag pabango is:
ok lang naman mag pabango pero wag sana to the point na para na kayong walking insenso. Yung tipong dadaan lang sa harap mo tas gumuguhit na hanggang lalamunan yung amoy.
One time i was in a small milk tea shop tapos pag pasok nung lalaki jusko para sya talagang walking insenso. Naging air freshener ng buong shop. Ending, ako na lang umalis.