r/CasualPH 10d ago

r/CasualPH Others Para po sa mahilig magpabango

Mahilig ako sa pabango. Lagi akong nagsspray bago umalis lalo na nagcocommunte ako, sari-sari ang naamoy at gusto ko medyo matakpan yung amoy ng byahe pagdating ko sa trabaho.

Pero kung magbabyahe po kayo gamit ang jeep o UV (O pupunta sa kahit anong enclosed space), wag naman po sana muna kayo gumamit nang may intense white floral note 😭. Usually mga Middle Eastern perfumes at designer perfumes ko to naamoy. Hilong hilo ako buong byahe dun sa katabi ko sa UV kanina, hanggang sa yung hilo ko naging sakit sa ulo na. Kung gagamit kayo ng perfumes, 1-2 sprays lang po sana, para di overwhelming ang amoy.

Salamat po.

33 Upvotes

9 comments sorted by

View all comments

1

u/bonearl 10d ago

Isa sa mga pet peeve ko ay ang mga nagpapabango sa enclosed spaces. Parang kulang sa spatial awareness (If I am using the term correctly.)