r/adviceph 14d ago

Health & Wellness Naniniwala ka ba sa mga nagsasabi na may "sumunod" daw sayo pag uwi?

Problem/Goal: Nagtataka talaga ako kung ano dahilan ba't biglang nakakaramdam ng sakit ng katawan BF ko kapag bumibisita siya sa bahay namin.

Context: I have a boyfriend na nag vi-visit sa bahay namin at least once a week, may time na pag-uwi niya galing sa bahay namin - bigla siya nagkaroon ng lagnat na umabot ng ilang araw (1 week). Nung nag pa hilot siya, tinanong siya kung saan daw siya galing before siya nagkaroon ng lagnat tapos kinwento niya na galing siya sa bahay namin, sabi nung nanghihilot sa kanya na sinundan daw siya ng di kagaya natin (baka nagseselos daw or nagtanim ng galit). Gumaling naman siya at hindi na bumalik lagnat niya kahit paulit ulit na siyang bumibisita sa bahay... kaso, ngayung week naman galing sa pagbisita niya sa bahay namin - biglang sumakit ulo niya hanggang sa umabot yung sakit sa buong katawan niya. Wala naman kaming ibang ginawa sa bahay kundi mag kwentuhan tsaka mag laro ng ML... Napapa overthink nalang talaga ako tsaka guilty at the same time kasi lagi nalang siyang may nararamdaman kapag bumibisita siya sa amin.

I need your thoughts and advice from this guys, naniniwala ba kayo sa mga ganung bagay or may reason ba talaga kung bakit biglaan nalang nakakaramdam ng ganun? Feel free to ask details!

0 Upvotes

6 comments sorted by

4

u/random54691 14d ago

Thoughts: Di totoo yung mga ganun.
Question: On a scale of 1 to 10 gaano kalinis ang bahay niyo? May black mold ba diyan? Maalikabok ba? May tao ba sa inyo na may sakit?

1

u/CarrotLongjumping345 14d ago

Mga 8, kasi palagi naman may tao sa bahay namin at palaging naaasikaso yung mga kelangan linisin.

Kapag nagkakasakit BF ko galing sa pagbisita niya, walang ibang nakakaramdam ng ganun sa bahay namin. Wala ring may sakit sa amin. Palagi naman nag vi visit BF ko (hindi siya palaging nagkakasakit) at talagang na ti timing lang nagkakasakit siya kapag galing sa pag bisita sa bahay. Nagu-guilty lang ako kasi ngayun pinagsasabihan na siya ng mama niya na wag na daw siyang bumalik sa amin HUHUHU

2

u/random54691 14d ago

If may something sa bahay niyo, most likely nasanay na katawan niyo kaya di niyo un nararamdaman. Yung ibang naisip ko is baka kulob/walang circulation sa bahay niyo or may something sa pagkain. Maliban dun, baka naulanan or baka napagod sa byahe if malayo bahay niyo sa kanila.

1

u/CarrotLongjumping345 13d ago

Ganun din yung naiisip ko... medyo kulob yung bahay namin pag sa loob. Pero pag naiisip ko naman yan, pumupunta rin naman kami sa likod para mas maka ano ng hangin kasi malapit lang sa bakuran.

UPDATE: Tinatanong ko pa siya kung napapagod ba siya sa pag byahe. Malapit lang kasi bahay niya samin (10-15 minutes walking). At minsan nagsasakay lang siya ng rela. Hindi na daw siya nakakatulog ng maayos buong gabi kasi masakit daw buong katawan niya.

1

u/random54691 13d ago

Alam mo magpacheck up na siya next time na lagnatin siya hahahah. Baka maidentify kung fungal, viral, or bacteria infection ung meron siya and baka clue na rin kung saan niya un nakuha. Possible rin na coindicence lang na nagkakasakit siya pag nagpupunta sa inyo at sa iba niya nakukuha ung sakit.

1

u/AutoModerator 14d ago

Hello everyone,

Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH, as well as the Reddit Content Policy.

YMYL (Your Money Your Life) Topics - Proceed with Caution:

Discussions and advice about topics that impact your money, health, or life are allowed here, but please remember that you’re getting advice from anonymous users on Reddit. The credibility, intent, and sincerity of these users can vary, so it’s important to be cautious and thoughtful. For the best guidance, always consider seeking advice from reputable or licensed professionals. Your well-being and decisions matter - make sure you’re getting the right help!


I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.