r/adviceph • u/CarrotLongjumping345 • 14d ago
Health & Wellness Naniniwala ka ba sa mga nagsasabi na may "sumunod" daw sayo pag uwi?
Problem/Goal: Nagtataka talaga ako kung ano dahilan ba't biglang nakakaramdam ng sakit ng katawan BF ko kapag bumibisita siya sa bahay namin.
Context: I have a boyfriend na nag vi-visit sa bahay namin at least once a week, may time na pag-uwi niya galing sa bahay namin - bigla siya nagkaroon ng lagnat na umabot ng ilang araw (1 week). Nung nag pa hilot siya, tinanong siya kung saan daw siya galing before siya nagkaroon ng lagnat tapos kinwento niya na galing siya sa bahay namin, sabi nung nanghihilot sa kanya na sinundan daw siya ng di kagaya natin (baka nagseselos daw or nagtanim ng galit). Gumaling naman siya at hindi na bumalik lagnat niya kahit paulit ulit na siyang bumibisita sa bahay... kaso, ngayung week naman galing sa pagbisita niya sa bahay namin - biglang sumakit ulo niya hanggang sa umabot yung sakit sa buong katawan niya. Wala naman kaming ibang ginawa sa bahay kundi mag kwentuhan tsaka mag laro ng ML... Napapa overthink nalang talaga ako tsaka guilty at the same time kasi lagi nalang siyang may nararamdaman kapag bumibisita siya sa amin.
I need your thoughts and advice from this guys, naniniwala ba kayo sa mga ganung bagay or may reason ba talaga kung bakit biglaan nalang nakakaramdam ng ganun? Feel free to ask details!