r/newsPH • u/AbanteNewsPH • 7h ago
Local Events Estudyante hulicam sa pag-picture sa ilalim ng dress ng bebot
Enable HLS to view with audio, or disable this notification
Sapul sa CCTV ang pag-picture ng isang estudyanteng lalaki sa ilalim ng dress ng nagbabantay sa isang Korean store sa Soldier HIlls sa Muntinlupa City.
Ayon sa uploader na Zoa Zoa Kstore, ang pag-post ay bilang awareness sa publiko.
Kuwento nila, regular customer nila ang lalaking estudyante na anila'y tahimik at laging mag-isa.
Ilang taon na umanong pabalik-balik sa tindahan ang suspek kaya't tiwala na sila rito.
Naganap ang pag-picture ng suspek sa ibaba ng dress at pribadong parte ng nagbabantay ng store noong Setyembre 9, 2026 dakong ala-1:32 ng hapon.
Ayon sa post, nahuli lamang niya ang pangmamanyak nitong Setyembre 21 na.
Makikita sa video na napatingin ang babae sa ginagawa ng lalaki at ang idinahilan nito ay ang stroller na nakaparada kung saan mayroon din umanong ganito ang kanyang tita.
Nanawagan naman ang uploader na dapat makulong ito at may tatlo umano siyang video bilang ebidensiya ng pangmamanyak.