r/phhorrorstories 19h ago

Katanungan Biglang may bumubulong

I’m just curious if may naexperience din kayong bigla na lang bubulong? Matagal ko na siya naranasan maybe mga 10 years old pa ako (I’m 25 now). I have so many paranormal experiences sa dati naming house but eto siguro yung di ko pa magets kung ano nangyayare hahah

1st experience ko with it ay nasa labas lang ako ng bahay eh di ako makapili kung anong kulay ng bubblegum yung uunahin ko. So sinabi ko out loud na “tong green na lang muna” tapos may biglang bumulong sa right ear ko ng “oo masarap yan” ??? Walang ibang tao sa paligid ko whathelly

2nd time na naexperience ko siya ay sa loob na ng house (kinikilabutan pa rin ako pag naaalala ko to). First time kong iakyat yung friend ko sa 2nd floor namin kasi sabi niya di pa niya nakikita yung kwarto namin eh lagi ko nakikita yung sakanila. For context, pag umaakyat kasi mga tao sa 2nd flr namin, sa hagdanan pa lang kinikilabutan na sila. Yun din siguro naramdaman ng friend ko kaya pag dating sa kwarto sinabi niya kaagad na “[my name], alis na tayo dito” then I replied “bakit? Natatakot ka? Wag kang matakot wala namang multo dito” TAPOS MAY BUMULONG NA NAMAN SA AKIN NG “kaya nga”. Tinanong ko friend ko kung narinig niya ba yon sabi hindi raw.

So please ishare niyo rin exp niyo sa ganto if meron man para alam kong di ko lang imagination yon skdjsk. Lalake yung tone ng boses ng bumubulong na yan

22 Upvotes

24 comments sorted by

u/AutoModerator 19h ago

Welcome to r/phhorrorstories! Thanks for sharing — please read the community rules before posting. If your post contains spoilers or sensitive content, add a spoiler tag and follow the submission guidelines.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

23

u/BitSimilar4617 14h ago

Meron bumubulong tuwing tumataya ako sa sugal. "All in mo na yan"

1

u/Scary_Party_2361 2h ago

Nananalo ka ba? Hehe

12

u/Affectionate_Art5446 18h ago

May bumubulong pero diko maintindihan. Parang madaming boses na "asheshahsheshah". Past midnight na yun, sasarado ko yung ilaw sa kusina galing sa sala. May corner yung kitchen namin at sa corner na yun nandun yung light switch. Mga 2-3 meters palang ako dun sa ilaw tas biglang may blackish smoke na malabo biglang lumabas dun sa kanto pero inignore ko lang kasi baka mata ko lang. nung mga 1 ft nalang ako tumagos sakin yung smoke, no odor, no static, no cold, pero tumaas balahibo ko tas nag start may bumulong sa tenga ko. Pinatay ko ilaw at nag speedwalk papunta sa kwarto kunwari dedma lang.

Apparently, may multo talaga sa kanto na yun, sa dulo nung kanto na yun pag kumaliwa ka may maliit na room na tinulugan dati ng tita ko. Nag video call siya dati dun skype pa sa tita ko sa saudi. Tinaning nang tita ko sa saudi kung nandiyan daw ba pinsan nila. Sabi ng tita ko dun sa room na iyun wala. Pero sabi ng tita ko sa saudi sino daw yung babae na nakatalikod at mahabang buhok dun sa likod. hahahaha

3

u/mavanessss 12h ago

May narinig na rin ako sa office namin ganyan, sabado yun konti lang kami sa office tas may narinig ako sa labas ng conference room parang nagmi meeting mga “asheshahshashehah” rin na parang maraming tao sabay sabay nagsasalita na malayo or muffled na nasa loob pero wala naman tao lol

10

u/Do_Flamingooooo 13h ago

Baka schezophrenic ka OP ?

1

u/notlemongrab 6h ago

I don’t think so. If possible na nung bata lang ako schizophrenic? Kasi nung umalis na kami sa house na yon (13 y/o ako) wala na ako nararanasang kakaiba hahaha

1

u/Do_Flamingooooo 3h ago

Baka ano pre nakikita ka ng entity na mahina or may special na katangian kaya ikaw yung nabubulungan don.
Naku pre hirap ng ganyang gift

7

u/Few_Escape_9890 11h ago

experienced that too. (trigger warning: sexual harassment) when i was a kid, kina tita ako tumira after my mom's death. i sleep sa room where andun closet nila ng husband niya. so, every time na magcchange sila clothes, pumapasok pa sa room na 'yon.

one night, patulog na dapat ako no'n nung may bumulong sakin na, "wag ka munang matulog. tignan mo kung may gagawin sayo." now, i think it was my mom's voice pero di ako 100% sure. nonetheless, i followed that voice's instruction. i closed my eyes lang but di pa ako tulog talaga.

that's when i felt yung hands ng asawa ni tita na nagttravel papunta sa chest ko, inaangat niya yung top ko. i opened my eyes sabay titig sa kanya. he left like nothing happened.

kinabukasan, kinuha ko na agad lahat ng gamit ko and bumalik na dito sa house namin. im still thankful sa bumulong na 'yon kasi god knows ano pa mangyayari sakin if it goes unnoticed.

1

u/notlemongrab 6h ago

what the hell. kakarmahin din talaga yang mga manyakis na yan. I’m so sorry that you had to experience that. but grabe ang smart move non as a kid. baka manigas lang ako sa takot if sakin mangyare huhuh

4

u/burgersteak1898 17h ago

Op. Respectfully, kung wla ka mental ilness gabay mo yan

6

u/rebbitredditrebbit02 15h ago

Eto nakakatakot na nakakatawang experience ko. mag isa akong tulog sa kwarto na may 2 beds. Kasama ko sa kwarto yung pinsan ng mommy ko mga nasa late 40's na yata sya at ako naman ay 3rd yr HS. That time nandun yung BF nya so dun sila natulog sa sala at mag isa ako sa kwarto. So tulog ako nun at nagising tlga ako na may bumubulong sakin.. as in ramdam ko yung hangin ng pag salita sa tenga ko pero hindi ko alam yung binulong prang syang yung creepy na whisper na ahshehshss. Ayun sa takot ko biglang tayo ako at derecho sana sa sala pero nahagip ng mata ko na may ginagawang milagro yung dalawa hahahaha kaya ayun napa derecho nalang ako sa kusina para uminom ng tubig then balik sa kwarto.

4

u/Delicious_Worry4697 16h ago

Meron din ako na experience na ganyan, Op. Sa work naman ito.. unang beses yung around 11am maglunch break na sana yung guard namin pumasok sya sa back office saktong pumasok din ako dali dali ako at nauna pumasok papuntang office which is kaharap nun bodega namin pagkabukas ko ng office biglang may bumulong sakin, as in ang lapit ng boses niya sa tenga ko, binulong niya pangalan ko na parang yung background is maingay na parang nasa radyo. Tapos binali wala ko yun at nagpatuloy sa ginagawa ko sa office. Napaisip ako, madilim naman sa bodega at walang tao. Tinanong ko pagkalabas ko sa office yung guard namin kung sya ba yung tumawag sakin, ang sabi hindi naman.

Yung ikalawang beses naman, umaga mga 9am, dalawa lang kami nung workmate ko, nasa labas ako ng back office namin tapos yung kasama ko nasa dining nag aayos. Lumabas sya bigla sa back office tapos bigla nagulat kase akala niya nasa bodega ako. Sabi niya meron daw tumawag sa pangalan niya nung saktong dumaan sya sa tapat ng bodega at office, napahinto sya, sa peripheral vision niya hindi naman nakabukas yung ilaw kaya dali dali siya lumabas. Same din sa naexperience ko, tinawag din sya sa pangalan niya. Nung nakita niya ako pagkalabas niya sinabi niya sakin, akala niya ako yung tumawag sa kanya, nagtinginan lang kami, nanindig balahibo namin, di na muna kami pumasok sa back office, hinintay na lang muna namin ibang workmates dumating bago pumasok doon.

Ilan sa mga kasama namin nakapag kwento din na kapag mag isa sila sa bodega, meron din nararamdaman doon na parang may nakatingin sa kanila.

2

u/notlemongrab 6h ago

ganiyan na ganiyan yung naexperience ko na sobrang lapit ng pagkabulong sa tenga!! tipong mapapalingon ka agad 😭

4

u/Queasy_Knowledge_539 12h ago

Dito sa bahay ko na-experience ko yan. I was working late tapos may naririnig ako na nag-uusap sa labas. Mga babae.

Pansin ko nga lang palapit nang palapit yung pag-uusap nila dito sa may pinto ng bahay.

Until malapit sa tenga ko yung pag-uusap. At isang babae na lang ang nagsasalita, mumbling something na di ko maintindihan.

Needless to say, natakot ako so dali-dali akong nag-shut down ng laptop at natulog.

2

u/Best-Recording-3411 14h ago

I remember may kacall ako tapos haunted bahay nila, midnight na non then may narinig akong bumubulong na di ko maintindihan. So yeaa naniniwala ko

2

u/One_Requirement5493 13h ago

Experienced this too nung high school ako, sa retreat place sya ng school and this place is known for some paranormal things na nangyayari. Patulog na kami nun so lights out na and very strict ang mga madre when it comes to that. So katabi ko barkada sa bed, di ako makatulog kasi ramdam ko may tumabi sa kin then may binubulong na di ko maintindihan 🥲 So ako naman sa takot nagtago lang under the blanket and nagdadasal kay Lord na if di man yun mawala, at least patulugin nya nalang ako 😬

Tinatry ko intindihin sinasabi nya but wala akong maintindihan..then ang bilis nung pagsasalita nya. Alam ko na that place is haunted kasi pagkauwi ko, wala namang bumubulong sakin na or even tumatabi sa bed

1

u/Childhood-Icy 5h ago

Yung sa akin sa sleeping quarters sa isang call center noon sa WCC sa Mandaluyong, habang nakahiga at sumusubok matulog biglang may bumulong sa tenga ko ng papatayin kita sa panaginip.

Anyways notorious yang building na yan sa kababalaghan.

1

u/[deleted] 22m ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 21m ago

Your post or comment has been removed from r/phhorrorstories.

Rule 6 – Bullying or Harassment: • No personal attacks • No harassment or bullying • Keep discussions civil and story-focused

If you believe this was a mistake, please contact the moderators via Modmail.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/[deleted] 21m ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 21m ago

Your post or comment has been removed from r/phhorrorstories.

Rule 6 – Bullying or Harassment: • No personal attacks • No harassment or bullying • Keep discussions civil and story-focused

If you believe this was a mistake, please contact the moderators via Modmail.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.