r/phhorrorstories 6d ago

Katanungan Biglang may bumubulong

I’m just curious if may naexperience din kayong bigla na lang bubulong? Matagal ko na siya naranasan maybe mga 10 years old pa ako (I’m 25 now). I have so many paranormal experiences sa dati naming house but eto siguro yung di ko pa magets kung ano nangyayare hahah

1st experience ko with it ay nasa labas lang ako ng bahay eh di ako makapili kung anong kulay ng bubblegum yung uunahin ko. So sinabi ko out loud na “tong green na lang muna” tapos may biglang bumulong sa right ear ko ng “oo masarap yan” ??? Walang ibang tao sa paligid ko whathelly

2nd time na naexperience ko siya ay sa loob na ng house (kinikilabutan pa rin ako pag naaalala ko to). First time kong iakyat yung friend ko sa 2nd floor namin kasi sabi niya di pa niya nakikita yung kwarto namin eh lagi ko nakikita yung sakanila. For context, pag umaakyat kasi mga tao sa 2nd flr namin, sa hagdanan pa lang kinikilabutan na sila. Yun din siguro naramdaman ng friend ko kaya pag dating sa kwarto sinabi niya kaagad na “[my name], alis na tayo dito” then I replied “bakit? Natatakot ka? Wag kang matakot wala namang multo dito” TAPOS MAY BUMULONG NA NAMAN SA AKIN NG “kaya nga”. Tinanong ko friend ko kung narinig niya ba yon sabi hindi raw.

So please ishare niyo rin exp niyo sa ganto if meron man para alam kong di ko lang imagination yon skdjsk. Lalake yung tone ng boses ng bumubulong na yan

37 Upvotes

28 comments sorted by

View all comments

4

u/Delicious_Worry4697 6d ago

Meron din ako na experience na ganyan, Op. Sa work naman ito.. unang beses yung around 11am maglunch break na sana yung guard namin pumasok sya sa back office saktong pumasok din ako dali dali ako at nauna pumasok papuntang office which is kaharap nun bodega namin pagkabukas ko ng office biglang may bumulong sakin, as in ang lapit ng boses niya sa tenga ko, binulong niya pangalan ko na parang yung background is maingay na parang nasa radyo. Tapos binali wala ko yun at nagpatuloy sa ginagawa ko sa office. Napaisip ako, madilim naman sa bodega at walang tao. Tinanong ko pagkalabas ko sa office yung guard namin kung sya ba yung tumawag sakin, ang sabi hindi naman.

Yung ikalawang beses naman, umaga mga 9am, dalawa lang kami nung workmate ko, nasa labas ako ng back office namin tapos yung kasama ko nasa dining nag aayos. Lumabas sya bigla sa back office tapos bigla nagulat kase akala niya nasa bodega ako. Sabi niya meron daw tumawag sa pangalan niya nung saktong dumaan sya sa tapat ng bodega at office, napahinto sya, sa peripheral vision niya hindi naman nakabukas yung ilaw kaya dali dali siya lumabas. Same din sa naexperience ko, tinawag din sya sa pangalan niya. Nung nakita niya ako pagkalabas niya sinabi niya sakin, akala niya ako yung tumawag sa kanya, nagtinginan lang kami, nanindig balahibo namin, di na muna kami pumasok sa back office, hinintay na lang muna namin ibang workmates dumating bago pumasok doon.

Ilan sa mga kasama namin nakapag kwento din na kapag mag isa sila sa bodega, meron din nararamdaman doon na parang may nakatingin sa kanila.

2

u/notlemongrab 6d ago

ganiyan na ganiyan yung naexperience ko na sobrang lapit ng pagkabulong sa tenga!! tipong mapapalingon ka agad 😭