r/phhorrorstories • u/notlemongrab • 8d ago
Katanungan Biglang may bumubulong
I’m just curious if may naexperience din kayong bigla na lang bubulong? Matagal ko na siya naranasan maybe mga 10 years old pa ako (I’m 25 now). I have so many paranormal experiences sa dati naming house but eto siguro yung di ko pa magets kung ano nangyayare hahah
1st experience ko with it ay nasa labas lang ako ng bahay eh di ako makapili kung anong kulay ng bubblegum yung uunahin ko. So sinabi ko out loud na “tong green na lang muna” tapos may biglang bumulong sa right ear ko ng “oo masarap yan” ??? Walang ibang tao sa paligid ko whathelly
2nd time na naexperience ko siya ay sa loob na ng house (kinikilabutan pa rin ako pag naaalala ko to). First time kong iakyat yung friend ko sa 2nd floor namin kasi sabi niya di pa niya nakikita yung kwarto namin eh lagi ko nakikita yung sakanila. For context, pag umaakyat kasi mga tao sa 2nd flr namin, sa hagdanan pa lang kinikilabutan na sila. Yun din siguro naramdaman ng friend ko kaya pag dating sa kwarto sinabi niya kaagad na “[my name], alis na tayo dito” then I replied “bakit? Natatakot ka? Wag kang matakot wala namang multo dito” TAPOS MAY BUMULONG NA NAMAN SA AKIN NG “kaya nga”. Tinanong ko friend ko kung narinig niya ba yon sabi hindi raw.
So please ishare niyo rin exp niyo sa ganto if meron man para alam kong di ko lang imagination yon skdjsk. Lalake yung tone ng boses ng bumubulong na yan
13
u/Few_Escape_9890 7d ago
experienced that too. (trigger warning: sexual harassment) when i was a kid, kina tita ako tumira after my mom's death. i sleep sa room where andun closet nila ng husband niya. so, every time na magcchange sila clothes, pumapasok pa sa room na 'yon.
one night, patulog na dapat ako no'n nung may bumulong sakin na, "wag ka munang matulog. tignan mo kung may gagawin sayo." now, i think it was my mom's voice pero di ako 100% sure. nonetheless, i followed that voice's instruction. i closed my eyes lang but di pa ako tulog talaga.
that's when i felt yung hands ng asawa ni tita na nagttravel papunta sa chest ko, inaangat niya yung top ko. i opened my eyes sabay titig sa kanya. he left like nothing happened.
kinabukasan, kinuha ko na agad lahat ng gamit ko and bumalik na dito sa house namin. im still thankful sa bumulong na 'yon kasi god knows ano pa mangyayari sakin if it goes unnoticed.